CHAPTER TWENTY-FIVE

5.9K 287 74
                                    

Family For A Night

Patuloy na hampas ng tubig dagat sa dalampasigan ang naririnig ko hanggang ngayon simula nang dalhin ako ni Miss Aquila dito sa isang beach resort pagkatapos namin kumain sa hash house na pinanggalingan namin.

Kanina pa kami nandito sa Batangas at halos palubog na rin ang araw. Tinanong ko siya kung anong oras ba kami uuwi pero ang sabi niya lang may hinihintay pa raw kaming dalawa.

"May nagsabi sa akin na mahilig ka sa dagat. Bakit?" Napalingon ako kay Miss Aquila nang basagin nito ang katahimikan sa pagitan namin.

"The scenery's beautiful and there's peace here. Kanino mo nalaman ang bagay na 'yon, Ma'am?" Tanong ko pabalik pagkatapos sagutin ang kaniya.

"Your friends." Simpleng sagot lang nito sa akin.

Inisip ko saglit kung sino kaya sa kanila ang tinutukoy niya. Marahil kay Gab o Heather dahil ang dalawang 'yon lang naman ang madaldal kong kaibigan.

Hindi na ako umimik pa at nanatiling nakamasid na lamang sa dahan-dahang paglubog ng araw.

Nasa ganoong posisyon lang ako nang tumunog ang phone ni Miss Apologize at kita ko na may lumabas na tawag mula sa screen nito pero hindi ko na inaksaya pa ang sariling oras para alamin kung sino 'yon. Baka kalandian niya.

"Bring her to us. Nandito kami sa tabi ng dagat." Rinig kong sambit ng katabi ko pagkatapos sagutin ang taong tumawag sa kaniya.

Naalala ko na naman tuloy kung paano ako nilayasan nila Alas at Frank kanina sa isang sabi lang nitong kasama ko. Sa pamilya namin sila nagsisilbi pero halos luhuran ko pa ang mga 'yon para layasan lang ako noon tapos siya isang sabi lang, walang salitang iniwan ako sa kaniya. Unfair!

"How did you do that?" Interesadong tanong ko sa kaniya nang ibaba nito ang phone at itinago.

Tumingin lang siya sa gawi ko, halatang naghihintay ng sagot.

"Paano mo napaalis ang mga bantay ko nang ganon lang?" Kanina ko pa talaga gustong itanong 'to. Humahanap lang ako ng tamang timing.

"I got your parents' approval. You're allowed to go anywhere without them if you're with me. Only me." Sagot niya, may diin pa sa dalawang salitang inihabol.

Napatitig akong muli sa mukha niya nang marinig ang bagay na 'yon. Kadalasan, hindi ganoon kabilis pumapayag ang mga magulang ko. I'm sure there's something she offered that's why they allowed her. I know them very well.

"How...?" Tanong ko, naguguluhan pa rin sa nangyayari hanggang ngayon.

"I gave them a hundred." Sagot naman niya kaya tumango ako.

Like what I've expected, they're always after the money over anything or anyone.  What's new?

"So, it only took them a hundred thousand to ignore the risks and danger." Dismayadong usal ko bago muling humarap sa dagat.

"Thousand? I gave them a hundred million." Sagot niya kaya halos mabali ang leeg ko matignan lang muli kung seryoso ba siya.

Her expression, there's no tracks of uncertainty and lies in it. Seryoso siya?!

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon