CHAPTER TWELVE

5.8K 288 167
                                    

II: The Important, Acquaintance,
and Someone

Tunog ng alarm clock ang gumising sa saglit na pahinga ko pero hindi tulad ng karaniwang araw, alas sais pa lamang ang nakalagay sa orasan na nakapatong sa side table.

Ang madalas na alas otso na gising ko ay hindi pwede ngayon dahil ito ang araw na hindi ko na ata gugustuhing maulit pa pagkatapos.

"Ang aga mo naman ata magising ngayon?" Bungad ni Viola sa akin nang dumiretso ako sa kusina pagkalabas ko ng kwarto.

Saglit ko itong tinapunan ng tingin bago kumuha ng tubig sa fridge at sumandal sa sink paharap kay Vesta na nakaupo naman ngayon sa dining table.

"I'm going out." Tipid kong turan na naging dahilan para mapatigil sila sa ginagawa at tumingin sa akin.

I bet they're interested to know some details about it.

"Where to?" Kwestiyon ni Dos na nagpangiti sa akin nang bahagya.

"She's smiling. Don't tell me you're going on a date?!" Gulat na segunda ni Viola kaya natawa na ako.

Sinasabi ko na nga ba they will think that way. Sana nga date na lang ang pupuntahan ko at hindi kung ano pa mang delubyo.

Pakiramdam ko talaga, isa akong nasisiraan ng bait dahil dadalhin ko lang naman ang sarili ko sa bahay ni Miss Aquila ngayong araw.

"So, who's the unlucky girl this time, Uno?" Nakangising tanong ni Vesta kaya inirapan ko ito. Ang aga-aga nang-aasar na agad.

"Oo nga. Anong gayuma naman this time ang ginamit mo? Pabulong naman." Sunod ni Viola kaya napailing na lang ako sa kanilang dalawa bago tumalikod at pumasok muli sa kwarto ko.

Pinili ko na lang hindi sabihin ang iba pang detalye dahil hindi naman lahat kailangan malaman ng dalawang pinsan kong 'yon.

Pagkapasok ko pa lang, dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa bahay ni Miss Aquila na walang ligo dahil baka nasa gate pa lang ako hindi na ako papasukin.

Pagkatapos magbihis ay dumiretso na ako palabas pero agad din napatigil nang makitang bihis na bihis din ang dalawang pinsan ko. Nagkatitigan pa kaming tatlo na parang hindi inaasahan na makita ang isa't-isa sa ganitong ayos.

"You're really going on a date?" Muling tanong ni Viola na nakatingin lang sa akin ngayon.

"It's not a date. I have to meet someone important today. How about the both of you? Are you going on a date Vesta and Viola?" Turan ko at naglipat-lipat ng tingin sa dalawa.

Nagkatinginan sila saglit bago ibinalik ang tuon sa akin. Si Vesta na ang unang nagsalita.

"I'm going out to chill with an acquaintance of mine. It's my free day today so I decided to use it to at least have some fun." Wika nito na nagpatango sa akin bago inilipat ang tingin kay Viola na halatang nag-iisip pa ngayon.

"Well, I need to meet someone today too." Alinlangang sambit nito na nagpangiti lang sa amin ni Vesta.

She's lying.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon