[A/N]: Final part na tayo? Seryoso na ba 'to? HAHAHAHAHA natapos ko talaga siya? Matagal kong pinag-isipan 'tong Epilogue kasi hindi ko alam kanino yung POV na dapat kong gamitin. Napili ko yung character na 'to kasi tingin ko siya talaga ang pinaka-fit na character to end this story.
Since final part na tayo, hindi pwedeng wala akong literary cameo sa sarili kong story HAHAHAHAHAHA abangan niyo ako sa baba kasama ang makukulit kong mga 🐣
The Final Chapter?
"Alas, tingin mo ito talaga ang lugar na nasa address?" tanong ko sa kasama kong si Alas na siya ring driver ko mismo.
Nilibot nito ang mga mata at ibinalik sa papel na hawak bago napunta sa akin ang mga 'yon. Tirik na tirik ang araw kaya pareho kaming naka-sunglasses.
"I think so, Miss." Nag-aalangan man ay tumango ito kaya nagbaling ulit ako sa pinto.
Ilang minuto lang din ang hinintay ko at nagdesisyon na pumasok na. Kailangan na namin ayusin ang setup sa loob dahil ano man oras ay darating na ang mga kasama namin.
Nakakaisang hakbang palang ako papasok ay halos mapalabas ulit ako dahil sa gulat. Maging si Alas ay napaatras nang bumungad sa amin ang ilang crew ng restaurant kung nasaan kami.
"Welcome to CSIWs Hash House!" sabay-sabay nilang sigaw.
Sa lakas no'n ay wala sa sariling napakapit ako sa kasama. Daig pa kasi nila ang taong may megaphone ngayon.
"Table for two po?" tanong nung isa.
Ang weird nilang tignan lahat dahil may sisiw sa ibabaw ng sumbrerong suot nila ngayon. Wala akong masabi but this is not a normal restaurant, that's for sure.
"We're here under the name of Mrs. Vren Arellano. She informed us that this place is for us the whole day?" Si Alas ang kumausap sa mga crew na parang hindi pa ata alam ang sinasabi ng kasama ko.
Nagkatinginan silang lahat na para bang naguguluhan bago nagbulungan pero naririnig naman namin.
"Ngayon na ba 'yon?" tanong ng isa. Napansin ko ang nameplate niya na nakakabit sa uniform nila mismo.
Sisiw na Tumatahol.
Nilingon ko si Alas nang mabasa 'yon. Mukhang ako lang ang nakapansin.
"Is it just me or weird talaga ang mga tao rito, Alas?" pabulong kong tanong kaya nilingon niya ako bago tinawanan.
"Wait, ito na yung picture ng mga darating daw. Si Mlue ang nag-send." Inabot nung lumapit sa ibang mga nandito ang phone niya.
I saw her name. Sisiw na Sabog?
Don't tell me Sisiw na Mlue ang pangalan nung Mlue na tinawag nila? What's with this restaurant?
Pinanood ko silang pakatitigan yung phone bago nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Alas.
"Hindi naman sila 'to, teh. Mukhang hayop 'tong nasa picture. Mukhang tao yung mga 'yan," bulong ulit ng isa sa kanila na naririnig ko rin naman talaga.
Nang makitang nakatayo pa rin kami rito at naghihintay ay nilapitan kami nung kakasalita lang.
Sisiw na Miolet.
"Ahh, mamser, baka pwedeng makita po yung mga ID niyo?" nag-aalangang sambit niya na tinanguan ko lang.
Inilabas ko ang ID ko at ganoon din ang ginawa ni Alas. Matapos makita 'yon ay parang mas lalo pa itong naguluhan. Walang imik na bumalik siya sa mga kasama niya.
"Tawagan niyo na lang si Mama C! Hindi nakatulong yung ID," sambit nito.
"Akin na nga 'yan!" naiiritang sigaw nung isa at inagaw ang phone na hawak nila.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: