Chapter Twenty7.1 - Where are you?

7.9K 141 5
                                    

DANIEL's POV

"Hello ate?"

"O Dj bakit?" Boses ni Ate mula sa kabilang linya.

"Ate si Kath?" Tanong ko at napasandal ako sa upuan ko. Kanina pa ako hanap ng hanap pero hindi ko sya makita. Halos nalibot ko na ang buong maynila. At mag eeleven na ng gabi wala pa sya sa bahay.

"Ha? Bakit? Nag away kayo?" Pag aalala nya.

Napahinga ako ng malalim. I dropped the call. Hindi nya rin alam kung nasaan si Kath.
I dialed again at ilang ring ay sumagod na din.

"O DJ bakit?" Tanong ni Sofia.

"Sofia si Kath?"

"Ha? Wala dito bakit hin--"

Inend call ko na. Napapikit ako.

And dialed again.

"Bianca si Kath?" Sabi ko nung pagkasagot nya ng tawag.

"Ha? Di mo--"

Hindi ko na hinintay at binabaan ko na sya.

Last chance babe.

Mga tatlong ring bago nya ito masagot.

"Hello Daniel."

Mahina nyang boses.

"Miles si--" natigilan ako ng may narinig akong nag salita sa kabilang linya.

"Miles? Sino kau-"

Isa lang ang babaeng ganyan ang boses, sya lang.

Napaupo ako ng maayos.

"Miles? Si Kath ba yun?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. I cannot be wrong.

"Ha? Ahm, si Kath? Hindi a nanunuod ako ng tv. Wait lang ha?" Tas pinatayan na ako.

She's with Miles.

Buti nalang alam ko na kung saan ang bahay ni Miles at paharurot akong nagtungo sa kanila.

Lumabas agad ako sa kotse ko not minding kung tama ba ang pagpark ko.

Nag doorbell ako at agad naman ako pinagbuksan ng katulong nila.

Tumakbo na ako papasok ng bahay kahit na hinahabol ako ng matandang babae na nag bukas ng pinto.

"Kath!?" Tawag ko sa kanya pagkapasok ko ng bahay nila.

Agad naman bumaba si Miles sa hagdanan at nakapajama na.

"Miles nasaan sya?" Salubong ko agad.

"What!? Dj calm down ok? Wag ka mag alboroto dito natutulog na sila mommy." Sabi nya.

No, I won't fucking calm down.

"Miles." Matigas kong sabi pero nag mamakaawa ako.

Umiwas sya ng tingin.

"Natutulog na sya Dj wag mo ng-"hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumaas na ako.

Nakita ko ang isang pinto na kulay Violet at may nakaukit na Miles sa gitna nito.

Kathryn's POV.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kong pinikit ang mga mata ko.

Nakarinig ako ng mga hakbang na dahan dahan palapit ng palapit sa akin.

I gasper when I felt his hands on my cheeks.

"Kath.."mahina nyang sabi but enough loud for me to hear his voice.

He traced my eyes down to my nose.

"I'm so sorry baby.."

I want to hug him, I want to comfort him. Alam kong nag alala sya sa akin. But if I do that , that would be unfair to myself. No matter how much I want to kiss him hindi pwede. I need to complete myself bago ko sya harapin at balikan.

"Hindi ko lang kaya na makita na may iba kang kasama.." paliwanag nya tapos hinawi nya ang buhok ko na nasa mukha at nilagay sa likod ng tenga ko.

"I'm so sorry baby. Hindi ko sinasadyang saktan ka." At tumaas ang balahibo ko nung hawakan nya ang wrist ko. Hindi ko napigilan at isang luha at nakawala sa mata ko nung halikan nya ang sugat na iyon. He kissed the pain away. Pinunasan nya ang luha na pumatak sa mga mata ko. I know he's not stupid to not kow that I'm still awake, and I thank him for not mentioning it.

"I love you so much and I know I'm hurting you the same much." He said even lower than before. He is almost whispering. Naramdaman ko ang labi nya sa mga labi ko at maya maya ang paglakad nya palayo sa akin at narinig ko ang pag hawak nya sa doorknob at pagbukas ng pinto.

"I feel like.."

"I feel like I don't deserve you." After his last word at kasabay ng pagsara ng pinto ay pag tulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Umupo ako sa higaan ni Miles at umiyak na naman. Akala ko matapos na kanina pero hindi pa pala.

Natigilan ako ng marinig ko ang paharurot ng sasakyan at lalo akong umiyak.

Tinakpan ko ang bunganga ko para hindi lumakas ang mga hikbi ko .

Hindi Daniel. Nag kakamali ka. You deserve me, the whole me. At kahit sabihin pa ng lahat yung mga sinabi mo na di ka karapatdapat sa akin wala silang magagawa dahil ikaw ang mahal ko. At kung tama nga sila na hindi tayo deserving sa isat isa, wala silang magagawa dahil tayo ang tinakda ng tadhana. At kahit kumontra pa ang tadhana hahanap hanapin parin kita hanggang sa mahalin ulit natin ang isang isa.

Humiga ulit ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak ko.

~~

"KATH! KATH!" Inuga pa ako. At tyaka ko naalala na boses pala yun ni Miles nung tawagin ulit ako. Bumangon ako at naramdaman ko ang hapdi ng mga mata ko.

"Bakit?"

Tumingin muna sya sa akin na awang awa at huminga ng malalim.

" Si Sofia tumawag.." umpisa nya. Tahimik lang ako nakikinig sa sasabihin nya.

"Si dj.." natigilan ako ng banggitin nya ang pangalan ng asawa ko.

"Whats with Dj?" Tanong ko at ramdam ko ang bilis ng takbo ng puso ko at paghina lalo ng mga braso ko.

Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon