Chapter Thirty9 - I do.

7.7K 162 8
                                    

"Will you please marry me?"

Will you please marry me?

Parang bigla ako na bingi at tanging boses nya lang yung paulit ulit na nag plaplay sa utak ko. Ang sarap pakinggan. Parang kahit yun nalang ang marinig ko habang buhay masaya na ako.

Natulala ako at nadala na ako ng imagination ko sa future namin. Kung kanina ang bagal ng mundo ngayon naman biglang bumilis at nakikita ko ang pamilya namin in two years from now, masaya, nag mamahalan.

Daniel's POV

Naiiyak na ako habang iniintay ko ang sagot. Nakatingin lang sya sa akin at parang di parin makapaniwala. Shet Kath. Umoo ka naman oh.

Walang ingay sa paligid kasi lahat kami iniintay ang sagot nya.

Bakit parang habang natagal e nawawasak ang puso ko? Isn't she prepared yet? Or maybe she doesn't want to marry me again? Damn, parang namamatay na ako sa mga naiisip at pumapasok sa isip ko.

Kasi ako, I've never been so sure in my life. Mahal ko sya at wala ng pag dududa don. Sya lang. Pero bakit parang hindi ganun ang nararamdaman nya?

"Kath..." Mahina kong tawag sa kanya. Baka kasi nakatulog na sya. Kanina pa ako nakaluhod at nag sisimula ng balutin ang katawan ko ng takot. Takot na baka hindi kami pareho ng nararamdaman.

She loves me right? Pero bakit pinagiisipan nya pang pakasalan ako?

Wala naman syang sagot at nakatitig lang sya sa akin.

Unti unti na akong nalungkot, kasi baka hindi matuloy tong gagawin ko. Dahan dahan akong tumayo kasabay ng dahan dahan nawawala yung tiwala ko na mahal nya nga ba ako.

Hinarap ko sya at malaki ang distansya sa pagitan namin. Hanggang ngayon nakatulala pa rin sya.

"Look, hindi kita minamadali. Okey lang kung hindi." Ako na ang pinakagagong sinungaling.

No it's not okey. Nag lakas loob ako sa harap ng maraming tao, pero hindi sya kumapit at hinayaan nya lang ako nakaluhod dun. I didn't expected this to come. Pero tanggap ko, kasi mahal ko sya. Pero nasasaktan ako kasi hindi man lang nya sinagot ang tanong na akala ko ay mabilis nyang sasagutin.

Napayuko nalang ako para di nila makita kung paano bumagsak ang mga luha ko. I feel so disappointed.

"Hindi ka pa ba handa?" Tanong ko sa kanya at trinay kong wag magpahalata. Dun lang sya napatingin sa akin.

"Ha? What!?" Nagugulahan nyang tanong pero mas naguguluhan naman ako.

"It's okey kung hindi." But I'll be freaking happy with a yes.

"What are you saying!? SYEMPRE OO! I LOVE YOU! I LOVE YOU!" Niyakap nya ako at napaatras ako dahil sa sobrang lakas ng inpact. Hindi ako nakagalaw. "Hindi mo ba ako yayakapin?" Bulong nya sa tenga ko habang nakatiad syang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Kathryn's POV

"Hindi mo ba ako yayakapin?" Bulong ko sa kanya habang malakas ang pagkayakap ko sa kanya. Dahan dahan nya akong kinulungon sa mga braso nya at maya maya ay sobrang higpit na. Hindi ko mapigilan ngumiti at umiyak.

Of course I do! Tanga na ako kung hindi.

"Akala ko ayaw mo." Sabi nya malapit sa tenga ko.

"How can I say no to you?"

Humiwalay sya sa yakap namin at nakita ko ang maluha nyang mata. Wala na akong iba pang kailangan para maging masaya pa.

Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon