Special Chapter [SPG]

15.5K 170 6
                                    

Kathryn's POV


"Dj, pwede ba. Tiwala lang." Tinignan ko sya sa salamin habang nag lilipstick ako.

"I trust you but not them." Kunot noo n'yang sabi.

"Dj, kapatid mo si Julia ano kaba? Sa tingin mo pababayaan ako nun? Ikaw. Ikaw ang mag pakatino. Bachelor's party yun at sila Jc ang nag organise nun." Umikot ako at hinarap sya. "For sure may babae dun."

" Si Miles ang nag ayos ng bridal shower ni Ate kaya for sure may lalaki dun." Umirap s'ya tyaka tumalikod at nag hoodie. "Ikaw ang mag tino."

Tumawa ako ng sarkastiko. "Wala ka bang tiwala sa akin? My God Dj, may anak na tayo. Sa tingin mo ngayon pa kita lolokohin?"

Tinignan nya ako na parang blanko "Ikaw, wala ka bang tiwala sa akin?"

"Pwede ba? Wag mong ibabalik mga sinasabi ko sayo. Pwede?"

Huminga ako ng malalim. Ano ba yan, mag aaway pa ba kami dahil dito? Parang kanina ang saya lang.

Tumayo ako't hinarap siya sa akin pero ayaw nya "Hey."

Tinapik ko balikat nya. Pero ayaw parin "Sinasabi ko sayo Danilo pag ako nagalit."

Umakyat ang balikat nya sign na huminga s'ya ng malalim.

Finally hinarap nya na rin ako.

"What."

"Can you please just fucking trust me?" Mahinahon kong sabi pero may mura. "At please wag kang susugod 'dun? I know you so well Dj."

Tinignan nya ako ng masama. Bakit? Totoo naman ah. Pag alam n'yang nainom ako lagi na syang nasugod.

"Hindi ba ako pwede sumama?" Seryoso nyang sabi.

"Do you hear yourself? Ano ba. Tyaka bestfriend mo si Seth. You must be there."

Hinaplos ko mukha nya at napapikit na sya pero nagulat ako ng hawakan nya kamay ko at nilayo sa mukha nya.

"Wag mo akong idadaan sa ganyan Kath." Sabi nya.

"Choose, mag papahawak ka sa akin o never ng lalapat ang kahit anong parte ng katawan ko sa katawan mo." Naiinis kong sabi.

Napalunok naman sya pero hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"Let me touch you."

Binitawan nya na kamay ko at hinaplos ko na pisngi nya. Again napapikit na naman sya.

"Hey." Bulong ko. Nilapit ko sya sa akin gamit ang isang kamay ko na nakasabit sa leeg nya.

"Hindi mo ba naisip na nag seselos din ako?" Mahina kong sabi at nakatingin lang sa mukha nyang malapit sa akin at habang hinahaplos ko parin ang pisngi nya.

"Sa tingin mo ba matutuwa ako na malaman na pinapaligiran ka ng mga babaeng inaakit ka?" god damn, naiimagine ko lang na may malanding ahas na inaakit sya parang gusto ko ng mangalbo.

"Pero ayos lang alam mo bakit?" I paused.

"Kasi I trust you at alam ko sa huling sandali ng gabing ito ako parin ang katabi mo." Bulong ko.

Mumulat na sya at nag tama ang tingin nya. Yung mga mata nya nag twitwinkle .

"Okey fine. Pero please mag rereply ka lagi." Sabi nya. Ngumiti lang ako at tumango.

Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon