Napamulat ako ng marinig ko ang ingay ng tubig. Naramdaman ko ang hapdi sa mga mata ko at di ko sya gaanong mamupat. Umupo ako agad at tumingin sa paligid. Totoo nga ang mga nangyari kahapon. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at napalingon ako sa pinto ng bathroom ng mag bukas ito.
Nagulat din si Bianca nung nakita ako. Tinutuyo nya ang buhok nya gamit ang towel nya. "Gising ka na pala Kath." Umupo sya sa dulo ng kama nya. Umiwas ako ng tingin ng mapansin kong sa mata ko sya nakatingin. "Kath," pagtawag nya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. "You know Dj naman diba? Hindi ka nun matitiis." She tried to comfort me.
But then napaisip ako, dapat ba akong malungkot kasi natiis nya ako? Hindi lang yun. Hindi nya ako hinayaan makapag explain. Napakatanga talaga ng asawa ko.
"Ganto nalang, maligo ka na at mag bihis. Ready na sila sa baba ikaw nalang hinihintay namin." Nginitian nya ako at tumayo. Ano daw?
"Wait." Tawag ko ulit, nilingon nya ulit ako. "Bakit saan tayo?" Takang tanong ko. Wala naman akong matandaan na pupuntahan ngayon.
Napapikit ako ng matauhan ako, May 25 pala ngayon. Anniversary namin.
"Mall." Sabi nya at nag iwas tingin.
Hindi na ako sumagot at tuluyan na syang lumabas ng kwarto nya dala dala ang suklay.
Humiga muna ulit ako at huminga ng malalim habang naka tingin sa kisame ng kwartong ito.
"Happy Anniversary to me."
Tumayo na ako at kinuha ang phone ko sa bag ko.
Wala man lang txt galing sa kanya. Nakailang txt at tawag na ako kahapon ay wala parin ni isang reply at ayaw nya talagang sagutin. Napakatigas ng puso at ulo nya. Nakakainis.
I miss you, wala ka bang balak makinig sa akin?
Sinend ko na. Umupo ulit ako sa kama.
Para akong dalagang nag iintay ng txt ng manliligaw nya. Bawat minuto ay nabibilang ko na dahil ayaw talaga mag reply. Arg, kung may seen zone lang sana sa txt marami na ang nagpakamatay.
Kahit isang txt lang?
Send.
Alam mo ba kung anong araw ngayon?
Send. For sure he knows. Sabi nya diba kahapon?
We should be together but look at us.
Di ko mapigilan ang pag init ng mga mata ko. Shit. Nakakainis sya. Galit na galit ako sa kanya. Kung galit sya sa akin because of that nonsense sana naman ipasintabi nya muna ngayon kasi Its our freaking first anniversary.
Napailing nalang ako at tumingin sa taas para pigilan ang luha ko.
"Gago ka Daniel." Mahina kong sabi.
Tumayo na ako at pumunta sa bathroom ni Bianca.
Fine! Kung ayaw nya talagang maayos to e di wag! Nakakainis. Nakabili pa naman ako sa gift sa kanya. Tapos ganun ganun na lang yun? Hindi ko sya papansinin talaga. Promise.
"Arrg!!" Nasabunutan ko pa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
...
"Saan ba tayo?" Naiinis na sabi ko. Paano pinipilit nila akong sumakay sa sasakyan e sa ayaw ko. "Kakain nalang ako ng ice cream mag hapon. Ano ba! Ayaw kong sumama!"
BINABASA MO ANG
Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITING
FanfictionMeeting you wasn't coincidence. Unfortunately I was born to be yours, and you to be mine. Started: December 27 2014 Finished: June 10 2015