Kathryn's POV
"Baby..."
"Baby...."
"Kath gising na... Uwi ka muna... Baby"
I opened my eyes and sat wherever I was. I looked around at nasa room na ng hospital ako. Sa paglibot ng tingin nakita ko si Julia na naka higa na sa strecher. Nakatulog pala ako. Tinignan ko muna si DJ na nakatingin sa akin. Siguro binuhat nalang ako ng mokong nung nakalabas na si Julia sa ER.
Wait, totoo ba tong nakikita ko? Namumula ang mata nya? Saan to sa kakaiyak? Ganun na ba sila ka close ni Julia?
"Baby, gusto mo bang uwi muna tayo?" Tanong nya sa akin. The tone of his voice...parang paos na ewan. Umiyak nga sya. I'm confused.
"Wait lang Dj." Sabi ko tapos lumapit na ako sa kaibigan kong natutulog dito sa kama na to.
Di ko mapigilan ang luha ko, all what's happening to her is my fault. Sana Julia hindi kita hinayaan ipagtanggol ako. Sana ako na sa lugar mo. Sorry Julia, sorry.
Di ko mapigilan ang pag hikbi ko, may humawak sa likod at tinap ito. Tumingin ako at asawa ko pala yun. Ang nang gigilid ang luha nya. Why does he get too much affected? As far as I know, ako ang kaibigan ni Julia and not him? Oo alam kong masama tong iniisip ko, pero naguguluhan ako. You can't blame me. Bakit bigla nalang ganyan ang effect ni Julia sa kanya?
"She's my sister." He said. In that time napahinto ako. Kapatid? Sila? Nakita kong may tumulong luha sa mata nya. My heart cracked. I hate seeing him crying. Kahit wala akong alam sa nangyayari, ni yakap ko si Daniel at lalong lumakas ang hikbi nya.
Sobrang nakakabigla to, at hindi parin ako makapaniwala. Since first year high school Julia and I were very good friends. Lahat alam ko about her, except this. Mag kapatid sila? Di ko alam. Ang alam ko ampon lang sya nila Tito Richard at Tita Dawn. Wala syang kapatid dahil may sakit si Tita, baog sya. Lahat alam ko, pero she never told me this. Siguro kaya sya sobrang boto kay DJ ever since. Pero bakit nya ito tinago? Anong dahilan nya?
Lahat ng tanong ko, pinasintabi ko lang muna. Di bale na yun, tyaka nalang pag usapan. Ang mahalaga ayos na si Julia.
"Baby?" Napatingin ako sa katabi ko, nakaupo na kami dito sa isang couch. Umalis na sila Miles at sila Lester. Tanging ako, si Dj at si Seth ang natitira dito. Gusto sana akong iuwi muna ni DJ pero ayaw ko. Hindi naman sya pwedeng umuwi dahil alangang pabayaan nya kapatid nya. Kaya we decided na kaming tatlo ang mag babantay. Bago pa man namin naisugod kanina si Julia ay natawagan ko na si Tita Dawn. Na shock nga sila kaya tomorrow palang ay uuwi na sila. They'll be here tomorrow night she said, tinext nya ako kanina habang nag aantay ng results ni Julia.
"Hmmm?" Tanong ko sa kanya. Mag kaholding hands kami habang naka patong ang ulo nya sa aking balikat. It's almost one o'clock in the midnight at tanging isang lampshade ang nakakapagilaw sa buong room. "Sa tingin mo mabilis ang pagrecover nya?" Tanong sa akin ni DJ.
Sana nga, sana. Nahihirapan akong makita syang ganyan, at alam kong mas mahirap sayo.
"Oo naman, let's just pray." Sabi ko, hindi ako nag papakita ng lungkot sa kanya at puro positive attitude lang ako ngayon. Ayaw kong mahinaan sya ng loob.
"Marami akong tanong sa kanya." He said with the sad tone. Kawawa naman ang asawa ko.
Kinuha ko ang mukha nya gamit ang dalawa kong kamay, so mag kaharap kami. Ang pula na ng mata nya at namamaga na rin ito. Can't see him like this. Di ko kaya.
I kissed his forehead and said, "kung ano man yun, alam kong may dahilan si Julia at si God. Let's just trust her okey?"
He stared me for a while then gave me a quick kiss on my lips. "Thank you Baby. I love you so much." Then he smiled. Automatically my lips formed a smile too. Ang saya ko na napasaya ko sya kahit papano. And what he said, was like my favorite song that I would never get tired on repeating it on my mind.
"I love you too." I answer. Sumandal ulit sya sa balikat ko, niyakap ko ang likod nya. Mga five minutes nakatulog na sya kaya inayos ko sya para makahiga sya. Hiniga ko sya at ang ulo nya nasa lap ko.
"I'll never leave you. Not now, not tomorrow, not never."
Julia's POV
Bakit biglang ang sakit ng katawan ko? Feeling ko ang dami kong pasa. Dahan dahan kong minulat ang mata ko, nasaan ako? This is not my room. I've never been here before.
Napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak ng isang tao. Is that Seth? Nakaupo sya sa left side ko habang hawak ang kamay ko. Anong ginagawa namin dito? Di ko mapigilan ang ngumiti. He is holding my hand. Hashtag kilig.
Tumingin ako sa right hand and confirmed, nasa hospital nga ako. I saw the dextrose. Nasa hospital ako? Anong ginagawa ko dito?
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Seth para di sya magising but I failed.
"Ju-Julia?" He asks na nagulat din. This time I saw his face. At grabe, namumugtong ang mga mata nya. "Bat ganyan ang mata mo? Di pa naman ako patay." I joked.
"Ahm ahm, ayos ka lang? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo? Gusto mo tawagin ko si Doc? Ano? Masakit ulo mo? Pagkain? Gusto mo pagkain? Siguro gutom ka, pati uhaw. Anong gusto mo? Prutas, oo tama prut---"
" shhhh" I interrupted him while placing my index finger to his lips. I chuckled, "ano ka ba? Ikaw ata papatay sa akin e."
"Grabe, you got us all worried. Sobra. Lalo na si--" Napahinto sya sa kakadaldal nya at di sya nakatingin sa mata ko.
"Si?"
"Julia, I'm sorry." He pleaded. He held my hand and said "na sabi ko kay Daniel ang totoo, alam na nila ang totoo. Kasi Julia nangangailangan ka nang dugo e diba sya lang naman ang pwede? Julia, sorry kung di ko napanindigan ang promise ko to keep everything. Hindi ko kaya kung mawala ka nang dahil lang sa secret na yun." He said, nagulat ako nung una kaya di ako makaimik, nasabi nya na kay Daniel?
"Sorry sorry sorry sorry." Tapos tinapat nya pa kamay ko sa mukha nya.
Wala na akong magagawa, tyaka naiintindihan ko si Seth. At nasasayahan ako na ganto sya mag alala sa akin. Kahit na alam na ni Daniel na ako ang ate Roanna nya, ayos lang. Ako na ang gagawa ng paraan.
"Shhh tahan na." I tried to make him calm and carried his hair. "Okey lang ano ka ba." Sabi ko. Tumingin sya sa mata ko, God is he crying? "Talaga?" Sabi nya pa. Napangiti naman ako, he really cares. "Oo naman. Uyyy naiyak." Panunukso ko. Namula naman sya. Kinurot ko cheeks nya "cute mo talaga mhh" sabi ko habang ng gigigil.
"Julia?" May biglang tumawag ng pangalan ko. Napatingin kami ni Seth sa may paanan ko, nakahiga parin kasi ako.
Kinabahan ako kasi si Daniel yun, at lalo na nung palapit sya sa akin.
Grabe anong mukha ang maihaharap ko sa utol ko? Anong sasabihin ko?
"Hi I'm your long lost oldest sister." Tapos ano sagot nya? "How dare you for keeping everything! "Omg he will say that. And what is worst is what he'll do next. He'll slap my face, two times . One on the right side and the other on the left one. Grabe tense nun di ko kaya. Tapos sasabihin nya "kinakamuhian kita, how dare you asshole! Useless! Letse! Peste!" Omo! No it can't be!
Gulat ko nalang nung nakayakap na pala sya sa akin.
Hindi ako makagalaw.
Fifteen years longing for his hugs, for his sweet attitude, longing for him. Tapos ngayon, he is hugging me.
Di ko mapigilan ang mapaluha, now I'm experiencing they so call tears of joy.
Niyakap ko sya pabalik, my little brother.
BINABASA MO ANG
Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITING
FanfictionMeeting you wasn't coincidence. Unfortunately I was born to be yours, and you to be mine. Started: December 27 2014 Finished: June 10 2015