This Chapter is dedicated to a solid fan of KathNiel. Sya din ang unang sumoporta sa akin : Everythinggg Stay solid girl :)) Lovelots!
Kathryn's POV
Hinding hindi ko mapapatawad si Dominic sa ginawa nya, hindi pang tao, hayop sya HAYOP! Halos wala ng kalaban laban ang asawa ko sa kanya, bugbog na nga, hindi pa tumigil. Wala syang awa! Promise, ibabalik ko sa kanya ang lahat ng sakit na naramdaman ni Daniel, humanda handa sya.
Sa kasalukuyan binabantayan ko si Daniel, he's sleeping. Nasa bahay narin kami, inuwi ko na sya after what happened. Nakaupo lang ako sa isang chair dito sa tabi ng kama namin. Bugbog sarado sya, ang mga pisngi nya magang maga, tapos ang labi't kilay putok. Anong oras nadin di pa ako natutulog, it's almost two o'clock, nahuhulog na ang ulo ko dahil sa antok pero hindi, hindi muna ako matutulog.
"Ang tanga tanga mo naman kasi!" Sabi ko sa kanya, alam ko namang hindi nya ako maririnig."Siraulo ka din pala no? TSK!" Napairap ako. "Sa dami ng makakaaway si Dominic pa talaga! Walang kang utak!" I pouted, ang yabang mo kasi. "Pag ikaw talaga gumaling dyan susuntukin talaga kita! ARG!" Binaling ko ang atensyon ko sa kawalan. "Kung di lang kita asawa." mahina kong sabi. "Nakakainis ka talaga Daniel! ARG! Napakatanga mo!" Nang gigigil kong sabi. Tinignan ko sya ulit, "Nakakainis ka talaga! ARG!!" Napapikit ako ng marahan. Pagkamulat ko parang gumalaw ang daliri nya.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya, "uy Okey ka lang?" Tanong ko kahit walang kasiguraduhan kung gising nga tong unggoy na to. Hindi sya gumalaw. Naghahallucinate lang ata ako.
Tumalikod na ako para bumalik sa upuan ko, pero may humawak sa kamay ko. Nilingon ko agad agad ito. He was holding my hand pero nakapikit pa din sya. "D-Daniel.." Mautal utal kong tawag sa kanya.
Ewan ko ba tong nararamdaman ko, feeling ko naiiyak ako sa galit pero may halong tuwa.
Yumuko ako para mag kapantay kami pero hawak ko padin ang kamay nya, "May kailangan ka? Water? Okey ka lang? May masakit pa ba? Gusto mo tawagan ko si Doc?" Tanong ko.
Hindi sya umimik, nakapikit lang sya. "You want water? Wait wait I'll get you some." Binitawan ko ang kamay nya at tatalikod na sana ng hinawakan nya na naman ang kamay ko.
Tumalikod na naman ako para maharap ko sya, nakapikit pa din sya. "A-anong gusto mo?" Mahina kong tanong.
"dito ka #@%&" Mahina nyang sagot, pero nakapikit pa din sya. ANO DAW? Yumuko ulit ako para makapantay ko na naman sya. "A-anong gusto mo?" Mahina kong tanong. Hindi sya kumibo.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. "U-uhaw ka-ka ba? Gu-gutom ka na? May masakit ba sayo? Ano?" Tanong ko ulit sa kanya. Dahan dahan syang lumingon sa akin pero nakapikit pa din sya, malamang masakit.
"Wala..." Mahina yang sagot. Hindi ko na alam ang gagawin ko promise. Bat kasi ang tanga nya,tignan mo tuloy mukha nya. Hindi ako nakakatagal sa pag tingin sa kanya, I just can't.
"Ahm? ahm? gusto mo bang umupo?" Napaface palm ako at umiling iling "Sosorry hehe hindi ako magaling sa pag aalaga.." Nahihiya kong sabi. Totoo naman, unica hija lang ako kaya wala akong naalagaan na kapatid, sanay akong ako ang inaalagaan hindi ako yung magaalaga. Hindi nga ako marunong mag luto. Minulat nya ang mga mata nya, and just shit! Pulang pula ang mga ito. Medyo naniningkit pa sya. "Dito ka lang." Sabi nya.
Napalunok lang ako tapos tumango. Hindi ko binitawan ang kamay nya at umupo lang ako sa upuan kung saan ako nakaupo kanina.
Wala syang imik, nakapikit lang ang mga mata nya at nakahawak sa kamay ko. He looks so angelic from this angle. Or every inch of him is perfect, I ought to say.
BINABASA MO ANG
Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITING
أدب الهواةMeeting you wasn't coincidence. Unfortunately I was born to be yours, and you to be mine. Started: December 27 2014 Finished: June 10 2015