Chapter Thirty8 - Marry me.

7.4K 162 15
                                    

Biglang tumugtog ang Marry Me by Jason Derulo

Nahihiya ako kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Yung tingin nila sa akin parang debut ko ngayon. Nainis tuloy ako sa mga babaeng humihila sa akin papuntang di ko alam. Binitawan na nila ang braso sa gitna ng maraming tao! Nakakahiya. Lahat sila sa akin ang tingin. Anong meron?

Aalis na sana ako dun pero pinigilan ako ng mga babae at nagulat ako ng nag simula na silang sumayaw. Amin na partner ang sumasayaw sa harapan ko at lahat sila sa akin nakatingin.

Kung kanina feeling ko isa akong isda sa kalagitnaan ng dagat, ngayon naman feeling ko isa akong pusa na pinapalibutan ng maraming aso.

Habang nag tagal di ko na mapigilan ang pag ngiti ko, kasi naman ang sweet nila sumayaw kahit na medyo mabibilis ang moves. Ano to? Flashmob? Bakit pa nila ako dinadamay.

May biglang umikot sa paligid ko na mga batang babae na naka white dress at naka flower crown na may dala dalang basket habang patuloy ang pag sayaw nung anim na couple. Nagulat ako ng bigla akong hinagisan ng petals ng mga bata. Tuwang tuwa naman ako sa ginagawa nila kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

Biglang nag si tabihan ang mga sumasayaw at mga batang babae na pinapaulanan ako ng bulaklak. Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko ng lumuhod sila sa paligid ko sa kalagitnaan ng chorus ng kanta.

Biglang niluwa mula sa crowd and isang napakagwapong nilalang wearing tuxedo. Palapit sya sa akin with a very huge smile in his face. Parang nawala ang lahat ng tao sa paligid at bumagal ang ikot ng lahat. I want to hug and kiss him right now pero bakit ang bagal nyang lumapit.

Hindi ko inaasahan na pwede pa pala syang gwumapo ng ganto. Para syang anghel na niluwa ng langit at maswerte ako na ako ang nakasalo sa kanya.

"Pwedeng paki bilisan!?" Natatawa kong sigaw. Ang loko lalong bumagal sa pag lalakad. Di ko alam kung effect lang to ng slowmo thing o sadyang sinasadya nyang bagalan. Napairap ako kahit na ngiting ngiti naman ako.

Kathryn, mag pakipot ka naman kahit konti. You are too obvious. "Faster!" Utos ko. Ang mokong tumigil sa paglalakad. Kaya ako na yung tumakbo papunta sa kanya at agad ko syang niyakap ko sya ng sobrang higpit na parang hindi kami nag sama kani-kanina lang.

"Mag pakipot ka naman kahit konti missis." Rinig kong sabi nya at hinalikan ako sa may tenga. Hinampas ko naman sya at nag inarte naman sya na nasaktan. "Pag ako nabawasan ng kagwapuhan, ewan ko na sayo." Kumalas ako sa yakap namin at tinaasan ko sya ng kilay.

"Walang mababawasan sa kagwapuhan mo dahil wala naman." Liar. Ikaw na ang pinakagwapong nilalang na nilikha ng dyos. Tumawa ako ng malakas. Narinig ko ang kantyawan ng mga tao at dun ko lang naalala na marami palang tao dito at nasa harapan pala kami.

"Ang harsh mo naman teh." Pinalo nya pa ako ng mahina sa balikat at parang bakla. Tawa ako ng tawa. Girls, find a boyfriend who acts like a gay just to make you happy.

Pero wag lang si Dj, akin lang sya.

"Sabi na nga ba e bakla ka." I poke his cheeks.

"Hindi noh! Gusto mo patunayan ko?" Ngumisi pa ang mokong.

"Wag na, chach--" bago pa ako makasagot hinalikan nya na ako ng mabilis.

Ramdam ko ang init na naman ng mukha ko. Shet. Sinabayan pa ang tilian ng mga tao sa paligid namin kaya feeling ko daig ko pa kamatis ngayon.

"Ano. Naniniwala ka na? O gusto mo isa pa, para sure na talaga." Lalapit na sana sya pero hinarang ko na palm ko sa mukha nya.

"Dj ano ba ang daming tao." Mahina kong sabi. Though kanina gustong gusto ko na syang halikan nakakahiya parin kasi siguro lampas five hundred ang tao tapos sa amin pa lahat nakatingin.

Ngumiti naman sya at tumayo ng maayos. Biglang lumakas ulit yung kanta na yun at chorus na. Ang lumuwa na mga mata ko nung sumayaw si Dj sa harapan ko at may backup dancers pa talaga!!

Ngiting ngiti ako abot langit. Kelan pa ba sya natutong sumayaw!?

Sinasabayan nya ang lyrics ng kanta at nakatingin sa akin.

"I'll say, will you marry me."

Bigla akong napako sa kinatatayuan ko ng tuluyan nag sync in sa akin ang lahat na to. Bakit ba ang slow ko? My parents, in laws, yung sayaw, yung friends ko, this song, yung sabi nya kanina na hindi na sya pwedeng mag antay, yung flower girls... Damn, hindi kaya...

May inabot na microphone yung isang dancer sa kanya, at hingal na lumapit sa akin.

"Kath, alam mong hindi ako nasayaw." Tumawa ako kasi, oo hindi sya nasayaw! Kelan pa sya sumayaw? "Pero ginawa ko para sayo kasi sobrang mahal kita." huminga sya ng malalim habang ako ngiting ngiti. "I don't know how to thank God dahil ibinigay ka nya sa akin." Namumuo na ang luha ko sa mata ko. Sobrang saya ko at feeling ko sasabog na ang puso ko sa pagmamahal ko sa kanya. "Bata pa tayo nun, ikaw lang ang naglakas loob na lapitan ako. Kasi nga galit ako sa mundo nun. Until you came and turned everything up side down." Huminto muna sya. "Sa harap ng maraming tao aaminin ko kung bakit biglang nag bago ang lahat simula ng mag highschool tayo. Nagselos kasi ako kasi may iba kang gusto." What!? I mean... What!? Yun ang dahilan pero sobra nya akong inaway? Nag sitawanan ang lahat. "May crush ka kasi dun sa mokong na yun kaya di ko alam." Napakamot pa sya sa ulo nya. I cant believe na kaya nyang pahiyain ang sarili para dito. "Nag speech na ako kanina pero eto na yung pinaka."

Huminga sya ng malalim at tumingin ng deretso sa akin. Ayaw kong pumikit man lang.

"Patawarin mo ako sa mga kagaguhan na nagawa ko sayo dati. Kung tinawag kita na malandi o kung ano ano pa man. Baby, I never loved anyone like this ever. I want to spend the rest of my life with you at kasama ang mga anak natin. Kath, sa dami na nating pinagdaanan mas lalo lang kitang minahal at mas lalo kitang ayaw mawala. Kung mawala ka man, wala na rin ako. Ikaw kasi ang buhay ko." Nanlambot ang tuhod ko ng makita kong naiiyak na sya. He is really sincere when he said that and I can help but to fall more for him. "Kahit mahirap akong mahalin, minahal mo parin ako at hindi ka sumuko sa akin. Kahit alam mong mapapahamak ka sa akin, ginawa mo parin. Kahit napakatwisted ng buhay ko, nakigulo ka parin." Natawa kami pareho sa sinabi nya. Bigla syang tumahimik at tumingin sa taas.

"You dont know how happy I am to have you baby." At tuluyan ng bumagsak ang luha nya. Lumapit agad ako at niyakap ko sya. Hindi ako mapapagod na yakapin sya. I can spend forever hugging him and break the world record of the longest hug ever.

Tinignan ko sya sa mata at hinawakan ko sya sa mukha. "I know how happy you are because I am feeling the same way." Pinunasan ko ang luha nya.

"I love the way you touch me, the way you talk to me, the way you move. I love everything about you baby, from the bottom to the top." Synchronize naman nag 'aww' ang audience. "Baby kung iisa isahin ko ang lahat baka sinalakay na ulit tayo ng mga kastilla." Tumawa ang lahat pero ako ngiti lang, tinititigan ko ang buo nyang mukha.

"Kath." Lumayo sya ng konti sa akin. "Bakit mo ako laging inaaway." Biro nya. Tumawa ako habang naiiyak na at tumingin sya sa mga tao. "Minsan, I just let her win, because losing the argument is easier than losing her." And once again with his charms and random thoughts ay tumalon ang puso ko. Lalong umingay sa paligid. Humarap ulit sya sa akin.

"I cannot possibly describe how I am feeling right now. But if I try, I could say I never thought that true love would exist. Haggang sa dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nahinga pa ngayon. You have always been there when no one was. Ilang beses ako nag kamali at maging sapat na para iwanan mo ako but you stayed. My life... You made it perfect. " Hindi ko napigilan ang luha ko.

"Pero isa nalang ang kailangan ko para mapunta na sa akin ang lahat." Dahan dahan syang lumuhod sa harapan ko. "Ikaw nalang ang kulang." May nilabas sya ng box at sobrang bilis ng takbo ng puso ko.

"Will you please marry me?"

~ short update na naman. Sorry badtrip ako. Alam nyo na siguro ang rumors about dun sa picture. Super galit ako. Tsk, attention seeker. Che! Nakakarumi na. Wag lang si Kath. Lahat na wag lang si Kath.

Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon