Hey, salamat ulit sa mga advice
Kathryn's POV.
"Kathryn. Aalis na sila." Biglang imik ni Miles na nakaupo sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa bentana ng room na to .
It's been three day since na confine ako,
It's been three days na nacoma si Dj,
It's been thres days nung nalaman ko na aalis na sya.
Tapos ngayon aalis na nga sya.
"Kathryn." Tawag nya sa akin.
Tumabi sya sa akin pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa bentana. Wala na akong dahilan para mabuhay pa.
Ang daya mo Lord, ang galing mo naman mangbawi. Wala ka palang isang salita e.
"Kathryn, ikaw ang nag sabi sa amin na kapag mahal mo, dapat pinaglalaban."hinawakan nya ang kamay ko at nakaramdam na naman ako ng luha na pumatak dito pero hindi akin. Mga luha nya.
Tumingin ako kay Miles na walang emosyon.
Nag aalala na daw silang lahat sa akin, I lost weight, and I don't care. Hayaan na natin para mapaaga ako sa langit. Totally yun naman ang gusto ng lahat. Ang mamatay na ako. Wag silang mag alala, gusto ko narin mapaaga.
"We miss you so much"
" Yung Kathy na masiyahin,"
" Yung Kathy na matapang."
"Yung Kath na kinakatakutan ni Daniel."
Huminga sya nang malalim ng banggitin nya ang pangalan ng asawa KO.
"Kath ikaw lang ang makakapagpigil nito. Wag mong hayaan na umalis si Daniel." Sabi nya habang naiyak din.
Hayaan syang umalis?
Biglang may kumirot sa puso ko at dun lang ako nagising.
"Si Daniel?" Ngayon lang ulit ako nag salita.
Tango sya habang naiyak.
Agad kong tinaggal ang swero sa mga kamay ko at tumakbo palabas. Narinig kong tinawag ako ni Miles pero tuluyan na ako lumabas.
Nagtungo ako sa labas ng hospital at nakita ko si Tita Kharla na sumakay sa shotgun seat nang ambulance na iyon. Tatawid sana ako ng may biglang tumama sa buong katawan ko.
Pagsigaw ni Miles ang huling narinig ko, mumulat ako at nakita ko ang sarili kong dugo na nag kalat sa buong kalsada.
"KATH!"
"KATH!"
"KATHRYN!"
Pagmulat ko ng mata ay nag hahabol ako ng hininga. Umupo ako agad.
Shit.
Shits.
Nasapo ko ang noo ko.
What just happened?
"Anyare sayo girl? Naimik ka habang natutulog." Sabi nung isang boses na pamilyar sa akin.
Hinanap ko ang boses na yun nakita kong nag lilipstick sa harap ng salamin.
BINABASA MO ANG
Don't Touch My Wife - KathNiel FanFic (DTMW) - EDITING
FanfictionMeeting you wasn't coincidence. Unfortunately I was born to be yours, and you to be mine. Started: December 27 2014 Finished: June 10 2015