ETO NA PO ANG UPDATE :*
[Shyla's Point of View]
Ayoko mang pumasok dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, idagdag pa ang bigat ng pakiramdam ko. Kaso kailangan kong magpaalam sa mga kaibigan ko.
Oo magpapaalam na ako. 1 PM ang flight ko pa'states.
Yun ang emergency DAW na pinuntahan ni Mom and Dad.
Ayokong iwan si Aaron pero sa ginawa at ipinakita niya sakin? Gulong gulo ako!
Ang sakit sa isip. Ang sakit dito-- dito sa puso ko.
"Sis, are you sure?" Biglaang tanong ni Zyla.
Tumango lang ako ng bahagya. Nasa gate na kami ngayon.
Last day na din nga pala ng fair. Hayy, sayang hindi ko na maaabutan ang isa na namang makasaysayang pagco'closed ng fair sa school na ito.
Dumiretso na kami ni Zyla sa booth namin. Normal na araw lang to para sa lahat. Kaya--" Guysss! Ang bu'busy nyo naman. Hahaha! Teka, kumain na ba kayo ng breakfast? Gusto niyo? My treat" pinilit kong maging masaya at cheerful sa harap nila.
Bahala na mamaya kung paano ko sasabihin.
"Oo nga dito na tayo, oh! Libre daw ng bestfriend kong to! Aba hindi kana "Cory" Hahaha!" Sabi pa ni Rei, bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.
Oo nga pala hindi niya pa alam, niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay noon ang pagbagsak ng luha ko.
"Ohhh! Guys, anong tinitigil niyo dyan? Maghanda na kayo ng pancakes at coffee. Eto yung bayad! Sabihin niyo naman nilugi pa ni Shyla ang booth natin" pag-agaw ni Zyla ng atensyon nila at sumama pa ito sa mini kitchen namin.
Dali-dali naman silang nagsikilos at kami nalang ni Rei ang naiwan dahil hindi ko pa din inaalis ang yakap ko sa kanya.
"Bes, im-- Im leaving"
"What??!!" Gulat na kumalas siya sa yakap ko at hinila ako sa upuan. "Alam ba to ng boyfriend mo? Kababati niyo lang ah! Teka ano ba! Naguguluhan ako" dugtong niya pa.
Hindi ako makatingin sa kanya. Baka pag tumunghay ako lalong pumatak ang luha ko. Ayokong may nakikitang tao na nag aalala sakin
"Bes, hindi ko gustong umalis. Ayokong iwan si mommy si Kylie si Zyla, ikaw, ang tropa. Ang school, 1 semester nalang gagraduate na tayo e. Kaso bes--"
[Rei's Point of View]
"--Kaso bes," pinigilan ko siyang magsalita. Did i heard it right?
"Wala si Aaron sa ayaw mong iwan? Bes, teka lang ah. Okay na kayo diba? hindi naman sa chismosa ako, pero kilala kita! Tell me everything, alam kong meron!" Sabi ko,
Sana hindi tama ang kutob kong nag away na naman sila.
"Kung iniisip mong nag-away kami. Hindi bes,--" Hay! Salamat naman aba! Mahirap din ang pinrepare namin para magkabati sil--" muntik niya lang ipilit ang sarili niya sakin"
Muntik--"ANO?!! Nagawa yun sayo ni Aaron? Demonyo pala siya e! Hayop siya! Nasaan yung lalaking yun?" akmang tatayo na ako pero naramdaman ko ang pagpigil ng nanginginig na kamay na bestfriend ko.
Ayaw niya nga pala ng nararamdaman na may nag aalala sa kanya. "Sssh" hinagod ko nalang ang likuran niya at hinayaan siyang umiyak.
"Bes,.. gulong-gulo... na ako. Hindi.. ko alam ... kung magagalit ... ako o masusuklam o mandidiri." Putol putol pa niyang kwento. " hindi ko inakalang maiisip ni ... Aaron na gawin yun sakin. Sya pa bes? Of all people bes! Bakit siya pa?!"
BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Teen FictionKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)
