[Aaron's Point Of View]
Dumating na kami ni Shyla sa bahay nila. Sobra akong pinagmadali ng babaeng yun.
Tapos ito, pagdating namin hindi pa naman pala simula yung papanuorin nya raw. Kahit kailan talaga ang mga babae.
" Waa! Ow Em Gee. Simula na! "
Saktong sigaw ni Shyla ay dumating naman sina Tito " What happened? " pag-aalalang tanong ni tita.
Hayy! Eskandalosang babae talaga to.
Naalala ko naman yung inasal ko kanina. Bwisit na yan, mukha akong tanga sa harap ng nilang magkapatid. Tss! Magkadugo nga sila ni Kylie.
" Daddy!! " nagtatakbo naman agad si Kylie kay Tito Hyme.
" Oh dear, you miss daddy ? "
Habang naglalambingan si Kylie at Tito bumwelo na ako para magpaalam.
" Ahem! Ah Tito uuwi na po ak—" pinutol naman ni Shyla ang sasabihin ko. Tsk!
" Aaron dito ka muna. Samahan mo akong manuod nito! Maaga kasi matutulog sina mommy sigurado " pag-pupumilit ni Shyla,
Tumingin naman ako kay Tito Hyme, tinanguan niya ako.
"Dito ka na matulog Aaron " nakangiting pag-yaya ni Tita Sherna.
" May pasok po kami bukas diba Shyla? " pagtanggi ko. Pero sa totoo lang hindi yun ang dahilan,
Sigurado sa sofa naman ako matutulog. Nababaluktot na ang katawan ko, hindi pa ako makagalaw ng ayos. Tsk!
Nang-aasar ata talaga tong si Shyla eh!
Alam ko tututol si Tito, ayaw niya kasing may natutulog daw ditong ibang lalaki lalo pa at tatlong babae ang anak niya.
" Sige. Papupuntahin ko nalang ang driver namin para kumuha ng damit mo "

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Ficção AdolescenteKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)