Chapter 5

790 20 0
                                    

[Shyla's Point Of View]



"Daddy naman e' nagbibiro lang po si Aaron " giit ko kay Dad.



Hanggang ngayon kasi pinipilit pa din nila akong paaminin. As if namang aaminin ko.



Hello? hindi pa ako hibang 'no. Baka mapalayas ako ng wala sa oras. Kasi naman e, magboboyfriend boyfriend ng gwapo este gago. Ayan sakit sa bangs! 



"Dad, tama na 'yan pa-akyatin mo na si Shyla sa kwarto. Hindi kaba naaawa sa anak mo hindi pa nakakapalit ng uniform niya o' " suyo ni Mom kay Dad.

At sa wakas! Pumayag na din si Dad na itigil ang interrogation kunno na ito.

Bago pa man ako tuluyang makapasok sa kwarto nagsalita naman si Mommy "Ah Shyla..?"

"Po?"

 "Magpahinga ka ng maayos. Tomorrow, you will spend the rest of your day with Aaron. Okay? Weekendate nyo na yun. Yii! Good night baby. Sleep well"

Okay yun lang pa- WHAT? As in W-H-A-T??

Hindi naman sa ayaw kong kasama si Aaron pero kasi.. Hay nako naman Mommy! 

Simula pa lang boto na talaga siya kay Aaron bukod sa mabait, matalino, masipag, dedicated sa pag-aaral (ngayon lang daw simula nung dumating ako) mayaman na, gwapo pa and the last reason is, isa siyang player.

A volleyball player,

" Sis, anong problema mo? Nakakabanas yang mukha mo, ang panget!" pang-aasar ni Zyla sa akin habang nakahalumbaba at ani'moy sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko.

Sinalampak ko ang sarili ko sa kama after magbihis at hinuhukay ang mumunti kong utak sa pag iisip ng irarason ko bukas. Kaso sumingit sa momentum itong magaling kong kakambal na kung laitin ang mukha ko e wagas.

"Nahiya naman ako sa mukha mo! parang hindi mo kamukha ang mukhang nilalait mo no?" ganti kong sagot na may halong pagkasarkastiko.



"Yuck! Hello, mas sexy ako sayo no!" paarteng sabi ng bruha. Kutusan ko to e. Bakit napunta sa sexy?



"Umamin ka nga sakin Zyla, nasaan ba ang kurba ng sinasabi mong sexy? Nasa mukha? Sexy daw, ano bang hugis ng muka mo coke bottle? Grabe ganda mo! " pang-aalaska ko pa.



Sinamaan niya naman ako ng tingin pero nagbago 'din 'yon at nagtuloy ulit siya sa pagtatanong "What ever, seryoso na kasi, ano ba yun? spill it. Go!"



*Sigh*



"Si Mommy-" panimula ko pero pinutol niya agad.



"What? napagalitan kaba ni Mom. My God! Sorry sis, sana pala hindi kita naiwan kay Lagdameo. Bakit ba kasi hindi ka kaagad hinatid ng gagong 'yo-Aw! Ano ba?" 

She's too talkative, isn't she? Hinagisan ko nga ng isang throwing pillow. Kaya nga throwing eh pang-hagis Nye Corny -_-. 

"Let me finish it first, okay? Ganito kas-"



She cut my words off again at sumagot siya ng "Okay" 



'Di ko nalang siya pinansin at nagsimula ulit sa pagku'kwento "Ganito kasi 'yon. Si mom-" napatigil na naman ako dahil umalingaw-ngaw na naman ang matinis niyang boses.

"Oh ano nga kasi ang nangyari sa inyo ni mom-"



Umupo ako at humarap kung saan nakahiga si Zyla saka sinigawan ang impakta "PATAPUSIN MO NGA MUNA KASI AKO DIBA?"



"Ah hehe. Sige tuloy muna" pakamot kamot pa siya sa ulo habang sumasagot saka nagpeace.



Buti nakaramdam. Sino ba naman ang hindi, halos kasing talim ng kutsilyo ang tingin ko sa kanya. Atat, hindi makahintay!



"Ganito kasi yun-" nguma-nga naman siya na tila nagbabadyang may lumabas na naman sa bibig niyang mga salita, kaya inunahan ko na.

"Sige magsalita ka! hindi ko na iku'kuwento " inikom naman niya ang bibig niya. Salamat naman " Ganito nga kasi 'yun, Mom said that I will spend the rest of my day tomorrow with Aaron. For sure dahil sa volleyball, alam ko naman na gusto-"



"Zzz" Siguro may taglay talaga akong angelic voice. Tinulugan na'din ako e.



Grabe lang, nagtanong pa siya. Nagtanong pa talaga! Mga tao nga naman ngayon. Magulo pa sa ekonomiya ang mga utak e.



Mas mabuti pa matulog na din ako baka sakaling umunlad pa ang pilipinas.



Bahala na bukas.



Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon