Chapter 28

351 7 6
                                    

[Shyla's Point of View]

Nagcommute na kami ulit ni Zyla. Kasi para daw akong pagong -_- 


"Saan kayo neng?" tanong ng driver.


"Kuya sa bahay nyo po? Naglayas po kasi kami. Pwede makitira? " sarkastikong sagot ni Zyla.


*face palm* Seriously?


"Neng, mahirap ang buhay isang kahig isang tuka---"


"Joke lang manong! Haha sa *place name* po kami! Hahaha"


Nakita kong napatawa nalang si Manong nasa age 40+ na siya.


Within  5 mins. Nakarating na din kami sa bahay. As in sobrang lapit naman kasi talaga e, ito nga lang isang to kung makapagwaldas ng pera akala mo may huhukayin siya anytime.


" Salamat manong. Ingat po " masaya kong pagpapaalam.


Nagderetso kami agad ni Zyla sa may gate ng bahay,

" Andito na po kami"  


Sigaw ni Zyla habang binubuksan ko ang gate. Nakaugalian na namin to tuwing uuwi..



Dali-dali namang nagbukas ang pinto at sumalubong sa amin ang malungkot na mukha ni Mommy, tatanungin ko pa sana siya pero nauna na siyang magsalita. 


"Dito muna kayong dalawa. Naintindihan niyo ko?" 


Ang ipinagtataka ko lang ay parang naghahalo ang emosyon ng takot, lungkot at kaba sa mukha niya. Bakit ba?


"Bakit Mom? Is there any problem? " tanong ni Zyla na nahalata rin pala ang pagkabalisa ni Mommy.


"There is!" matigas na sagot ni Dad. Lumabas siya galing pinto na hawak ang cellphone niya.


Humarap si Mommy sa kanya na tila pinoprotektahan naman kami at nagsalita "Hyme!! Bakit hindi mo muna tanungin si Shyla kung ano talaga ang totoong nangyari?" 



Nagulat ako ng narinig ko ang pangalan ko kaya napatunghay ako at kasabay noon ang pagtama ng isang malakas na sampal mula kay Daddy.

Anong kasalanan ko?


May nagawa ba ako?


I'm so clueless!

Tumingin ako sa mata ni Dad habang walang humpay ang pag-agos ng luha sa mata ko. Gusto kong magsalita at tanungin kung bakit. Kung ano ang nagawa ko. Kung nadisappoint ko siya o ano ba?


I live my life for 18 years na hindi ako nasasaktan o napagbubuhatan ng kamay ni Daddy. 


Pero ngayon kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Ang sakit at ang sama ng loob habang tinititigan niya din ako.



Naramdaman kong niyakap ako ni Zyla at pati siya umiiyak na. Si Mommy naman ay nakahawak sa dalawang braso ni Daddy para pigilan ito.


"I do my best to be a good father Shyla! Nagkulang ba kami ng Mommy mo sayo? Shyla you grew up having a happy family bakit mo nagawa ang bagay na hindi mo dapat ginawa! Wala ka namang dahilan para magrebelde diba? Gusto mo ba ng atensyon? Hindi pa ba sapat ang atensyon na binibigay namin. Wala kang dignidad! Hindi mo na nirespeto ang sarili mo man lang? Hindi kita pinalaking walang utak Shyla! Alam mo ang tama at mali! Im so disappointed, you do such stupid things lke a mindless lady! I thought we've raised you right but now? Tss." napailing nalang si Dad tumigil na siya sa pagsigaw at halatang kinakalma niya ang sarili niya bago sinundan ang mga gusto niya pang sabihin.


"Nakapag desisyon na ko Shyla. You'll go to States!" Dad said with full authority pero mas kalmado na ngayon. 


Kalmado na parang ang lamig lamig nalang bigla ng pakikitungo niya sakin.



"Dad! Ano po bang nangyayari? Bakit bigla nalang kayong nagkaganyan! Ano bang ginawa ni Shyla? Just tell us para naman po maintindihan namin"  pag-aalalang tanong ni Zyla at ramdam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.


Tumalikod na si Dad at wala man lang kaming sagot na nakuha sa kanya. 



Naglakas loob akong magsalita bago pa siya makapasok sa pintuan ng bahay namin "Im sorry Dad. Please-- please let me stay"  tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod.


Hindi ko man alam ang kasalanan ko, pero alam ko. Alam kong hindi magkakaganito si Dad kung maliit na bagay lang yon. Si Dad ang pinakapasensiyosong taong nakilala ko. Ngayon ko lang siya narinig sumigaw, nagalit at nagbuhat ng kamy sa isa man sa amin. 


Hindi ko akalaing aabot sa puntong ganito.


"You'll go to States maybe 1 week from now. After issuing your visa your flight will be book as soon as possible, thats final"   pagkatapos noon ay doon ko naramdaman ang unti unti niyang pagkalas sa yakap ko. 


Napa-upo nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa panghihina ng tuhod. Hindi ko lubos maisip na si Dad ang nakaharap kong iyon.


"Sis tara na. Tahan na" pag-aalo sa akin ni Zyla.


" Zyla, just-- just leave me alone for now" yun lang ang nabigkas ko, tulala lang akong nakatingin kung saang pinto pumasok si Daddy. Ang sakit pala.


Sinunod niya naman ako at umuna na siguro sa kwarto. Lumuhod naman si Mommy sa harapan ko, niyakap ako ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo at hinayaan din akong mapag isa.


Tangina destiny! Ano na naman bang plano mo? 


Umupo ako sa may swing ng mini garden namin. Hindi ako makakapunta sa park like I usually do. Masyado ng gabi ngayon at wala ako sa katinuan mahirap na.


Noong kumalma na ako medyo malalim na din ang gabi.


Dumiretso na ako ng kwarto at pagpasok ko nakita ko agad ang di mai-pintang ekspresyon sa mukha ni Zyla. 


"Sis-- may, may nangyari ba sa inyo ni Jonathan?"





Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon