Chapter 6

711 18 2
                                        

[Shyla's Point Of View]



I can't breathe. Eto na!!



5 inches





4 inches







3 inches







2 inches







1 inch na lang mahahalikan ko na si Daniel Padil— "Shyla Venice!! Gising na" As usual ang nakakarindi kong alarm tuwing umaga.



I wish I can turn it off or threw it away. Psh!



"Oo na Zyla, lumayo ka sa akin. Mahahalikan ko na si Daniel Padilla e! " pagrereklamo ko habang ibinabaon pa lalo  ang mukha ko sa unan.





"Pero Shyla kasi—"  naputol ang pagsasalita ni Zyla,  but one thing I noticed when she continue is " Get up. Shyla! " this time her voice gets thicker parang boses ng lalaki. Oh baka naman antok lang ako?





"Zyla tigilan mo nga ako, nagiging boses lalaki ka na. Hayaan mo muna kasi akong matulog" nagtaklob pa ako ng kumot at pinanindigan ang hindi ko pagbangon.  





Nagulat na lamang ako nang may humablot  ng kumot ko at binuhat akong parang ang gaan gaan kong teddy bear.



Napadilat ako ng sobrang laki at nagising ang buong diwa ko "Daniel? Este Aaron. Anong ginagawa mo dito? "  takang-taka na tanong ko.





"Daniel? Saan ba ang lungga ng artistang 'yon? Ipapasalvage ko, mahahalikan pala ha! Kung ikaw kaya ang halikan ko? " Inilapit niya naman ang mukha niya kaya inilayo ko 'din agad ang mukha ko.





>/////////////.//////////////<



Ngumisi naman siya saka niya tinuloy ang sinasabi niya kanina  " Hindi ba nasabi ni Tita? Oh sige para sa kaalaman mo. You're—" pinutol ko na ang sasabihin niya.



Bwisit!  paulit-ulit " Alam ko na. Alam ko na! " sigaw ko kahit ang totoo magkalapit  lamang  ang mukha namin.



Bigla naman siyang sumimangot. Ibinaba niya naman ako at tumalikod sa akin. " Hala! Galit ka? sorry na oh! Ano bang nagawa ko?"  hindi ko kasi alam kung napikon ba siya o ano?



Bigla namang gumalaw ang balikat niya na tila pinipigil ang tawa " Pfft. Ang baho ng hininga mo! Mag-tooth brush ka nga muna. Nakakabingot na babe. Hahahaha "

Oo nga pala! E? 

Ano bayan! Sya naman kasi e Ugh! Aaron talaga!!

Hindi pa nga pala ako nakakatooth brush.

Nagwalk-out  naman ako at dere-detsong pumunta sa CR  pero bago pa ako makapasok nagsalita ulit si Aaron na lalo kong ikinahiya.



"Paki-samahan na rin ng paghihilamos ha, nakakailang yang muta mo e! Hahahaha " binato ko naman siya ng tsinelas na suot ko at narinig ko ang pag'aray niya pero hindi parin siya tumitigal sa kakatawa.

Sige tawa pa! Mautas ka sana.





Padabog kong sinarado ang pinto ng CR. Bwisit!



xx



"Lets go babe"  



"Wag mo akong ma'babe babe 'dyan! Hindi ako baboy. Saan ba kasi tayo pupunta?" sigaw ko ulit .

Ang sarap kasing sigawan nitong si Aaron. -___-



" Mag-jojogging babe . Sexy mo ngayon ah "  ngiting-ngiti niyang sinabi habang nag-aatempt akbayan ako. Pero hindi niya naituloy kasi hinampas ko ang kamay niya



"Oy! para-paraan tayo ah. Anong akala mo ganun-ganun lang 'yon. Manigas ka! " nagsimula na kong mag-jogging kasi magjo-jogging naman daw kami.





"Hoy! Sandali Shyla totoo yung sinasabi ko. Sexy mo! Wiwit hahaha "  umandar na naman po ang kamanyakan ng boyfriend ko. Sarap hambalusin ng isa.



Kabwisit!





Paki paalala nga ulit kung bakit ko siya minahal. Nakakapaisip din kasi minsan.







Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon