Chapter 7

690 19 2
                                    

[Shyla's Point Of View]



"Wait lang Aaron! Ang bilis bilis mo naman " sigaw ko saka ipinatong ang dalawang kamay ko sa tuhod ko bilang suporta.



Nakakahingal naman kasing sumabay sa lalaking to' hindi ata alam ang salitang hinay-hinay.





"Hina ng immune system mo Shyla kaya ka tumataba! Bilisan mo "

Aba! Kung maka'wiwit siya kanina tapos ngayon mataba na? nakakainis ha! Qotang qota na talaga sakin yang pagka'bipolar mo! 

Mataba pala ah!

* Boogsh *



 "Ano ba, babe? Bakit ka namamato ng bote! Masakit ha" 

Oww! Napalakas ba? Nakakainis kasi siya e. Kulang pa nga yon. Tsk!

"Pagod na nga ako. Kulit mo naman e! " reklamo ko na parang bata.



"Babe, sobrang lapit na ng court. Natatanaw na nga diba? Wag ka na magreklamo hindi ka ililipad niyan papunta don" 

Galit ba siya o naglalambing? Sweet ang tono ng boses niya e. Naguilty tuloy ako. Aww! Pero syempre hindi padin ako mapapadala sa mga moves niya. Aba! utakan lang dito, kasi pag ganyan ganyan. Dehado sa asaran.



Nagkunwari naman akong sumasakit ang tuhod.  Umupo pa ako sa tabi ng daan kung saan ako nakatigil. Para mas convincing.



Tumigil naman si Aaron pero hindi pa siya lumilingon. Siguro nakikiramdam din, mas ginalingan ko pa ang pag-arte ko.



Then BOOM.

 " Sakay " nakatalikod na siya at nakayukod para makasakay ako sa likod niya.



Yey! Back ride ^_^,



Patalon akong sumampa sa kanya. Tuwang-tuwa akong sumakay sa likod niya, everytime na lalabas kami at napapagod ako ganito ang ginagawa niya. Actually tuwing weekends lang naman kami may quality time. 

Kaya lang ayoko ng araw na ito kasi si Mommy ang nag'set. Usually pag si mommy ang gumagawa ng paraan na makapagdate kami ni Aaron, may something at kung ano-anong nangyayari.



*Blag* 

" Aray! Bakit mo ako nilaglag? " sabi ko habang hinihimas ang pwet ko. Ang sakit kayang malaglag. Bwisit! Ang hirap talagang ma'fall ng walang sumasalo. 



Pinipigilan niya naman matawa habang pinagmamasdan ako sa kaawa-awang sitwasyon ko ngayon. Sinasabi ko na nga ba e. Hay nako! Nagboyfriend ako ng isip bata diba? Paninindigan ko to. -_-



"Oh ano? Nakakainis may araw ka rin tandaan mo yan" singhal ko sa kanya, inirapan ko din siya bago ako tumalikod at lampasan sya.





Ni hindi man lang ako tinulungan tumayo? Tigas talaga. Mas inuna pa talaga ang pesteng pagtawa ha?



" Oh akala ko ba masakit ang tuhod mo? Bakit ang bilis mo maglakad, magaling na ba? " pang-aasar niya pa. 

Hindi pa nakuntento talaga e no? grabe naman! Ituring niya din kaya akong girlfriend minsan!



"Bahala ka sa buhay mo! " I said without looking at him. He's annoying psh.



" Oy! " tawag niya sakin. Hindi talaga ako matawag sa pangalan no?



Humarap ako at sinigawan siya " May pangalan ako  Aaron Lagdameo" 





Nagsimula naman siyang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko,



" Pikon "



Lalo naman akong napasimangot. Kailan pa naging pikon ang pangalan ko?



 " Hindi pikon ang panga— " *Tsup* (kiss)



"I love you"



Loading ...



Loading ...



Loading ...



"Aaron!! Bakit ba ang hilig mong magnakaw ng halik sa akin ha! Waa. Bakit ba sayo pa napunta yung 1'st and 2'nd kiss ko! Malas— " *Tsup*

O____________O



" Ingay! Oh ayan tatlo na, para I love you" binuhat ako ng gwapo este gago pagkatapos niya akong halika—! Nevermind.



Pinaghahampas ko naman siya sa dibdib. Bridal style kasi ang pagbuhat niya sakin.



Pero ewan ko kung bakit parang,  Shit! ang gwapo niya lalo sa malapitan. Err!



Eto na naman ako. Bakit ba ang hilg hilig kong pantasyahin ang akin na? 

Kaya ako nasasaktan e. Tsk!

"Don't wish for more babe. I'm already yours " sabi niya ng hindi nakatingin pero kita yung unexplainable na happiness sa mata niya. Sana hindi ako magsising pinaniwalaan kita.



Talagang hindi na din ako hihiling pa ng iba. Kase tama siya, I already have him.



Isa na lang ang kulang,





Lakas ng loob—





Lakas ng loob para magpa-treat. Pero hindi ko na ata kailangan pag-ipunan yon. Dadaain ko nalang sa kapal ng mukha 



" Babe, bili mo ako ng pancakes dun oh! Kumukulo na ang tiyan ko. Hindi mo man lang kasi  ako pinagbreakfast " nangingiting sabi ko.



Totoong gutom ako pero may halong pang- aasar din sa tono ko, hindi naman kasi siya makakatanggi basta tungkol sa akin. Abuso ba? Kasalanan ko bang iresistible ang ganda ko? 





"Matakaw na, utusera pa! Dyan ka lang hintayin mo ako"



Tumakbo na siya sa pancake's store. Yan si Aaron, gagawin niya din naman pero kailangan mayron pa siyang reklamo. 



 Pag-alis niya bigla akong kinabahan.



Tumingin ako sa likuran ko. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin.





Actually kagabi ko pa nararamdaman na parang may nakatingin o nagmamasid.

Meron nga ba? baka naman imagination ko lang yun.



Hayaan na nga lang.



Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon