Chapter 50

198 4 2
                                    



[Iniego Salvador Point of View]




"What??!  U-umalis si Shyla? Wag mo naman akong binibiro pre!.. Ha.ha. Di magandang biro yan.."





Ngayon lang kami nagkausap ni Aaron, hindi namin siya mahagilap kahapon kaya ngayon ko lang din naibalita sa kanya.




"Pare totoo—"





"Sinabi ng tumigil ka na eh! Hindi nga umalis si Shyla gusto mo bang magkagulo tayo dito ha!!" kinwelyuhan ako ni Aaron pero hindi ko siya papatulan. 





Matapos kong sabihin ang nangyari ganyan ang reaksiyon niya. Tumatawa siya at pinapalagay ang sarili na nagbibiro lang ako. Sana nga lang nagbibiro ako,




"Pare! Tama na,wag mo ngang gawing tanga ang sarili mo!" si Cobe yan nilapitan si Aaron at inalayo sakin.




"Isa kapa Cobe! Gusto niyo bang tamaan kayong dalawa sakin ha?" tapos nagpumiglas siya sa hawak ni Cobe at kuha ang cellphone niya. "Ito! Pakinggan niyo to!" may tinawagan siya at iniloudspeaker niya pa. 




Kita ko sa screen ito..




Dialing .. Babe <3




Nagkatinginan lang kaming tatlo, nag ri-ring yon.




Tapos may sumagot na babae. 




"Hello, Hello Aaron?" sabi sa kabilang linya.




Nagliwanag ang mukha ni Aaron sa narinig niya, alam ko ang boses nayun. 




"Babe, Babe! Kamusta—" siguro nga ay nilalamon si Aaron ng takot niyang mawala si Shyla kaya miski katiting na pag-asa kakapitan niya.

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon