[Aaron's Point of View]
"Okay na ba? Tapos na kayo diyan? Siguraduhin nyong successful to ha!" apurado kong tanong sa mga taong nag oorganize ng place.
"Bro, kalma! Masyado mo naman paglaanan ng oras ang pinakaunang project ng COMPANY MO! HAHAHA" lumapit naman sa akin bigla si Iniego at may gana pang asarin ako.
Wala pa ding pagbabago, pero kinakabahan talaga ako.
"Nakasalalay pa din kay Shyla ang success or failure nito. Aa, if its meant to be it will happen. If its not, then its not meant for you" Lumapit din sa akin ang medyo hirap ng maglakad na si Zyla.
"I called Shyla, ready na daw siyang pumunta dito with her story ending. Sana makuha mo ang loob ng dapat kuhaning loob. Goodluck bro. Got to go? I'll pick her up pa with the two kids" dugtong pa ni Iniego bago siya umalis hinalikan niya muna si Zyla sa pisngi.
Sana nga, makuha ko ang loob ng dapat kong makuha. SANA.
[Shyla's Point of View]
"Mommy, why are you smiling with tears? Are you crazy? Oh no!" react ni Shaylie matapos niyang tumingala at tingnan ako.
Nandito kami ngayon sa puntod ni Jonathan. Hindi ako nababaliw, siguro ay masyado lang talagang bata si Shaylie para maintindihan ang mga bagay bagay.
Nagflashback lang kasi ang isang pangyayari sa noong kasama ko pa ang lalaking nasa harapan ko ngayon at masaya na kung nasaan man siya ngayon.
"KYAAAAAAAA! BAKIT MAY DUGO! MAY RED STAIN ANG KAMA! UWAAAA!"
Sa totoo lang ang unang naisip ko ay.. alam niyo na. Pero lumabas si Jonathan sa may kitchen ng nakakunot ang noo
"Hayy! Shyla naman eh! Ano bang akala mo sakin? Si tita? Hindi ko naman alam na meron ka palang manliligaw ngayon. Eh nalasing ka kaya kagabi. Basta basta na lang kasi umiinom ng hindi naman alam ang inumin. Ayy! -_- Trabaho ko pa bang palitan ka ng napkin--Aray! Abat tong babae na to ah!"
derederetso niyang sabi noon. Siya nga ang bestfriend kong lalaki na parang babae. Wala na yata talaga akong matatago sa kanya miski pa sabihing GIRLS THING. --
"SHYLA VENICE! Kanina pa ako nandito. HOY!!!" nabalik ako sa diwa ng biglang may pumalakpak sa mukha ko.
"Oh! sorry" sabi ko nalang. Si Iniego pala.
"May iba kang ineexpect no? Tsk! Kasi eh--" sabi ni Iniego pero hindi ko na siya pinatapos.
"Tara na, baka nag iintay na yung mga sinasabi ni Aaron na magche'check kung qualified nga bang ipublish ang story na ginawa ko." tsaka ako lumampas sa kanya at dumiretso sa dalawang bata na inosente lang na nakaupo sa may bench dito sa simenteryo habang may kinakaing dinala ata ni Iniego.

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Fiksi RemajaKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)