Chapter 61

266 8 11
                                    

[Shyla's Point of View]




* After TWO YEARS *




"Shylaaaaaaaaa! Here!!" nakita kong kumakaway si Zyla sa di kalayuan.



May banner pa nga silang dala na "WELCOME BACK SHYLA" 




Nangiti ako. Yung ngiting pakiramdam ko ay nagbago na ang buong buhay ko,,




Halos ang bilis din ng paglipas ng panahon. Dalawang taon na agad ang nakakaraan.





Marami ng nagbago pero hindi pa din ang puso ko, ang nararamdaman at sinisigaw tulad pa din ng dati.




Pero, matagal ng nabaon sa limot ang lahat. 




Umuwi ako para sa trabaho kong dapat tapusin dito sa Pilipinas.




Actually last year lang ay umuwi din ako,




Niyakap ako ni Zyla. "Aaa-aH Sis, busog ka ba o sadyang malaki lang ang tyan mo-Aww! Ano ba yan. Ganyan ka ba magwelcome?" 




Sinamaan ko siya ng tingin, inakbayan naman siya ni Iniego.  Mag iisang taon na nga pala silang kasal. Nagpakasal sila noong umuwi ako dito syempre hindi ko naman papalampasin yung kasal ng kakambal ko.



Si Zyla, buntis siya at pang 9 months na ngayon, 




Doon din sa pagbalik ko, nagbalik lahat ng takot at sakit.




Mayroon pa akong isang dahilan kung bakit ako umuwi last year, yun ay para sa kwentong hindi ko naman akalain na irerekomenda ni Tita sa publishing company na pinagtatrabahuhan niya.




Nagkaroon ako ng trabahong hindi ko na matatakasan, hindi ko na natanggihan.

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon