"Aray!"
Ano ba naman 'to. Kapag dinidikitan ka nga naman ng malas o'
"Sorry Shyla" I saw Aaron, paglingon ko sa gawi ng lalaking nagsalita.
Kulang nalang maghugis puso ang mata ko nito.
"Okay lang"
Ugh! Umaatake ang kalandian ko e.
"Are you sure? Gusto mo samahan kita sa clinic?" sabi niya sabay hawak pa sa may braso ko.
"I'm fine, no worries " nakangiti kong pag sisigurado sa kanya.
Shet lang! Ang hirap kumalma.
"Okay" yun lang ang isinagot niya kasabay ng isang napakagwapong ngiti. Paatras siyang bumalik sa gym na kasalukuyang pinawa'warm up pan ng team nila.
Ang gwapo gwapo talaga ng Aaron ko--"Aw- ano bang problemamo Rei?!! Para saan yung kutos? " sigaw ko sa bestfriend ko na sadista kung makakutos akala mo walang laman yung utak ko at hindi na siya naawa.
"Bagay lang sayo yun. Day dreamer! may pangiti-ngiti ka pa diyan, mukha ka kayang may sayad alam mo 'yon?" sigaw na sagot 'din sa akin ni Rei.
Naglalakad kami ngayon papalampas sa gymnasium at napasaglit ang tingin ko kay Aaron na busy sa pagwa'warm up. Hayy! ang hirap din namang tingnan lang sa malayo ang mahal mo at hanggang day dream ka lang. Kung sana kasi ganun lang kadali ang lahat.
"Ewan ko sa'yo panira ka . Tara na nga lang pumasok dito" sabi ko nalang at tinalikuran na ang bestfriend ko.
"At bakit aber? For all I know, gusto mo lang makita ng malapitan yung si Lagdameo your loves e! Siguro pinapantasya mo yon kanina no? Kaya ka ngumingiti mag isa? Ayii ang bestfriend ko nagdadalaga" Kantyaw niya pa kaya hinaltak ko nalang siya at napakaraming tao din dito e. Agaw eksena ang bruhang to.
Sa halip na makipag banatan pa sa kanya-- "Bahala ka.Nandoon si Iñigo babes mo hahaha"
Si Iñigo nga pala yung bestfriend ng kakambal ko. Yes, I have a twinny.
She's Zyla Vien Villego, the almost perfect girl.
The campus popular volleyball player.
-at kapag itinabi ang pangalang Shyla Venice Villego.
Wala kang ibang maririnig kung hindi, KAMBAL BA TALAGA SILA?
Ganun lang palagi minsan nakakabwisit din. Hinahayaan ko nalang kasi present lang naman ang nakikita nila,
Kasi nakita na nila na ako bilang isang babae na lampa, baduy at boring syempre oo kung ikukumpara ako sa kakambal ko ngayon. Hindi naman sana talaga big deal yun kung hindi famous ang kapatid ko. Kulang nalang pumablic figure siya e.
Pero ni isa sa mga taong nagsasabi ng panlalait sa akin, walang miski katiting na ideya sa nakaraan ko o sa mga nangyari sa buhay ko dati.
Pero okay na din ako sa ganito. Siguro talagang hindi lang ako bagay sa sports na yan.
"Ano ba? Ang bagal bagal mo Shyla!" padabog naman akong hinaltak ni Rei. Oh! by the way she's Reina Salvador ayaw niya ng Reina kasi mukha daw siyang nakatira sa palasyo sa pangalang 'yon. Oh I see. So I used to call her Rei.
"Eh akala ko ba ayaw mo?"
"Sino may sabi??"
Err! Sino nga ba? Hayy! Bakit ba palagi nalang akong nai'space out. Nakakainis.
Pagpractice'san ko nadin minsan iuntog ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Подростковая литератураKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)