[Shyla's Point Of View]
Naririnig ko ang yabag na paparating mula sa kusina. So it means tapos na si Aaron,
" Oh! Baby, you want snacks? " Agad kong tanong sa busy na si Kylie. Nanunuod kami ngayon ng phineas and ferb. Favorite to ni Kylie e.
" Yes " She ain't ever bother looking at me as she answered.
Napangiti na naman ako ng malawak, alam kong malapit na si Aaron kaya—
" Oh! Kuya's here na pala. So, Kylie anong dapat sabihin kay kuya tuwing hihingi ng favor? "
Humarap naman si Kylie sa gawi ni Aaron, medyo naguguluhan naman si Aaron sa ginagawa ko.
" Please, Kylie is hungry ^3^" sabay nag-pout pa siya at hinimas himas ang parte ng tiyan niya. Good girl!
Nakita ko naman si Aaron na nakangibit, este ngiti na pilit. Hindi naman kasi siya makakatanggi lalo na at ganito ang mukha ni Kylie.
Poor Aaron, buti nga sayo!
Bumalik na siya sa kusina para maghanda na siguro ng snacks. Kami naman ni Kylie nagpatuloy lang sa panunood.
Maya-maya
" Here Kylie " may dala na si Aaron na isang tray.
Kukuha na din sana ako, kasi good for two people yung dala niyang snacks kaso hinampas niya ang kamay ko na parang nagpapahiwatig na bakit-ko-kukunin.
Pagkatapos namang kuhanin ni Kylie yung dala ni Aaron para sa kanya.
Hinihintay ko siyang abutan ako pero " Hoy! Bakit uupo ka na kaagad 'di mo pa inaabot sa akin yung snacks ko ah? " pasigaw kong sinabi sa kanya kasi doon siya tumabi sa kabilang side ni Kylie.
" Bakit, sino ba ang may sabi na sayo to? " Sinamaan ko naman siya ng tingin but he answered me by his signature smile. Yung ngiting tagumpay -_-
So wala na akong nagawa. Padabog akong pumunta sa kusina para naman hindi ako nakatunganga habang sila may kinakain. Makakabawi din ako sayo Aaron!
BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Teen FictionKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)