Chapter 58

152 1 2
                                        

[ Jonathans Point of View]




"Bro congrats! Sabay pa tayong ikakasal" sabi ni Jyron.



Nginitian ko lang siya.




Mabigat sa dibdib ko ito pero kailangan kong gawin.



Hindi ganito ang ineexpect kong maging reaksyon ni Shyla.



Hindi siya nagrereklamo wala akong naririnig mula sa kanya.



Alam ko namang imposible na mapalitan ko sa puso niya si Aaron, at wala din akong balak gawin yun.




Kahit, kahit ilang buwan lang, naramdaman kong kahit papaano ay mayroon siyang pagkakataong ibinigay para subukan akong mahalin.




Masaya na ako dun.



"Kinakabahan ka no? Bro ang bading nun! Hahaha!" Si Jyron pa din




Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan.




"Sons! Aba, manang mana talaga kayong dalawa sakin" sabi ni Papa.



"Kamukha ako ni Mama/Mommy" sabay naming sabi ni Jyron.



Natawa nalang kaming tatlo.



"Mga loko-loko! Tara na nga. Hindi kayo dapat magtagpo tagpo ng mga soon to be Mrs. Agoncillo! malas yon" bulong niya samin.



Malas daw ba yun? Ha? Nasa states kami tapos naniniwala si Papa dun?



Dyahe!



Sumunod nalang kami ni Jyron at napailing.





[Zyla's Point of View]

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon