[Shyla's Point Of View]
" Oh ayan Shyla! Bilisan mo naman ang kilos mo para ka namang pagong " sigaw na naman sa akin ni Aaron.
Nag-iiba talaga ang ugali nito tuwing nagtuturo. Kabanas!
" Kanina walang buto. Ngayon pagong, anong susunod? " pagrereklamo ko habang ni'rerecieve ang bolang binibigay niya.
Wala na akong palya. Ayaw ko na kasing magkunwari. Halos 4 hours na din kasi kaming nagpapractice dito. 5 pm na din kasi,
" Anong susunod? Mrs. Lagdameo ka na "
What the?
Anong sabi niya, Mrs. Lagdame-- *Boogsh*
" Aray! " Sigaw ko. Natamaan kasi ako ng bola sa may pisngi.
" Eh bakit ba kasi natulala ka na? Focus " Kita niyo na? Hindi talaga niya alam ang salitang sorry.
" Wala pagod na ko. Tsaka nagdidilim na din kasi" pagpapalusot ko.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na kinilig ako. For sure sandamakmak na asar na naman ang matatanggap ko!
"Halika nga dito" inalalayan naman niya ako papunta sa bleachers " Masakit ba? " tanong niya habang hinihimas ang parte ng pisngi ko na natamaan kanina.
Nakaupo na kami ngayon at humarap siya sa akin para itanong yun. Sweet -
" Gusto mo, halikan ko na lang para gumaling-Aww" Yun na, sweet na sana! umiral na naman ang kamanyakan. Kailan kaya gagaling ang sakit niyang yan? May gamot ba dun? Sang butika meron? Ibibili ko siya ng banig banig.
Sa susunod hindi na lang talaga batok ang aabutin nito sa akin,
" Ewan ko sayo "
" Maiba ako. Sino ang tinutukoy ni Kylie kanina? "
Eto na nga ba ang sinasabi ko.
" Anong tinutukoy?"

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Ficțiune adolescențiKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)