[Shyla's Point of VIEW]
Tumakbo ako palayo kay Aaron. Nasusuka ako, nakakasuklam siya.
Wala akong pakialam sa mga tao kung nagtitinginan sila. God! If they dont care about me, why i am bothering myself to care if they're looking at me. The hell.
Nagderetso ako sa park. As usual.
Lahat nalang bumabalik sakin. Na masaya kami, tapos dumating si Syrene, then BOOM! She, that Damn Bitch mess it all.
Kailangan ko na palang mag ayos. Hayy.
Umuwi ako ng bahay at inayos ang ilan kong gamit. Dahil okay na naman ito, at sa tingin ko ay wala ng kulang.
"You okay ate?" Nandito na pala si Kylie sa kwarto ko.
"Yes baby, Uhm can you help ate to carry this baggages?" tumango naman siya at sinimulang dalhin yung isang shoulder bag ko na personal things lang ang laman at magaan lang.
"Nasaan si Zyla?" Buong awtoridad na tanong ni Dad.
"Nasa school pa po"
Hanggang ngayon ay masama padin ang loob sa akin ni Dad at alam ko yon.
"Okay, daanan nalang natin siya para buo tayo kahit man lang pagpunta sa airport" singit ni Mommy. Siguro ay nakahalata na siya.
Tumango na lamang ako.
xx
"Shyla sige na, hanapin mo na muna ang kapatid mo" Nasa tapat na kami ng school at bumaba na ako sa kotse pagkasabi noon ni Mommy.
"Shyla, hinahanap ka ni Zyla kanina pa. Lumabas ka pala. Hindi kita napansin kanina kaya't sabi ko ay hindi ka naman lumalabas. Nakuu! Baka nahihilo na kahahanap sayo ang kakambal mo"
Tinanguan ko lamang si Mang Noel at dali'dali ng pumasok sa loob ng school.
Pumunta ako sa booth namin pero wala ni isang tao doon. Nag'ikot ikot pa ako hanggang sa nakita ko yung dalawang highschool freshmen na humuli samin ni Jonathan para sa booth nila.
"Atee, hello po. Bakit po parang pabalik balik kayo? Saan po ba talaga kayo pupunta. Kasi po tinatawag ka po namin kanina pero di mo po kami pinansin" sabi nung bata.
Agad namang nag sink in sa utak ko. "Kamukhang kamukha ko ba? Saan papunta?"
"Ano pong sinasabi mo ate? Tsaka teka, bakit po ang bilis niyong magpalit ng damit--Aww" binatukan naman siya nung isang bata.
Jusmiyo! 9 AM na! 3 hours ang byahe papuntang airport.
PERO SABAGAY Okay nga na hindi na ako umalis.
"Hindi ka talaga nag-iisip Shanaia. Kambal sila!!" Shanaia pala ang pangalan niya.
"Aray ko naman Nami! UGH. Slow nga ako--"
Pinigilan ko sila dahil mas importanteng mahanap ko si Zyla. "OPS! WAIT Nami, Shanaia--"
"NASH FOR SHORT. NASH DUO at your service ate" pagsasabay naman nung dalawa. Buti pa mga batang to, walang masyadong pinoproblema.
"Pwede nyo ba akong tulungang maghanap sa kanya? May importante kasi kaming lakad--"
"Ano ba boys ng engineering. Bitawan nyo nga ako! Isusumbong ko kayo kay Iniego ano ba?! Hinahanap ko yung kapatid ko!"
Siguro naman ay alam nyo na kung sino yon?
"Osige na, Nami, Shanaia. Ayun na kapatid ko. Sundan ko nalang. INGAT KAYONG DALAWA HA!" Sinigaw ko nalang yung pahuli kong sinabi dahil lumalayo nako sa kanila. Although alam ko namang sa marriage booth lang dadalhin si Zyla.
BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
JugendliteraturKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)
