[Shyla's Point Of View]
Malapit na kami kay Iñigo at Zyla na kasalukuyang nagpapahinga sa may bleachers. Katatapos lang siguro ng game nila. We're having our school intramurals, a one week celebration and last day na ngayon so lahat finals na.
Si Iñigo kasi kung hindi niyo naitatanong isa syang Delos Reyes, at ano ang meron sa mga Delos Reyes? Well mga sikat na Badminton Player lamang naman ng school namin dati--
Transferee lang naman kami dito 2 years ago, they continue playing their journey here kasi in our former school bago kami lumipat dito varsity na talaga sila pati a-"Aray!"
Ano ba naman to. Kapag dinidikitan ka nga naman ng malas o.
"Sorry Shyla" nakita ko si Aaron paglingon ko sa gawi ng lalaking nagsalita.
"Okay la-" Okay! Okay, wala na. Naglalakad na siya pabalik sa pwesto nila ng mga kasama niya.
May lahing bastos din talaga siya kahit kailan e. Akala ko pa naman mangyayari na yung day dream ko kanina. AS IF naman, feeling ko talaga.
"Oh ano Shyla? Nga-nga ganun? Tigilan mo na kasi ang kahibangan mo sa mga player na yan. Hindi ka na nadala e-Awts! para saan yun bruha?" nanggagalaiting tanong ulit ni Rei with matching pandidilat pa ng mata.
"Bumawi lang ako" ngumisi ako at binelatan siya.
Pero sa totoo lang ayaw ko ng mapag-usapan na naman 'yung tungkol 'dun.
*sigh*
Kung alam mo lang talaga Rei.
Nakiupo at nakipagkwentuhan na lang kami dun sa dalawa ng kung ano-ano. Hanggang sa umabot sa topic na volleyball. Alam nilang tatlo ang nangyari sa akin dati pero mukhang masaya sila at ayaw kong masira ang moment na yun kaya sinakyan ko nalang ang bawat birong naririnig ko.
"Attention to all students, the school intramurals will continue next week. So for the last competing teams your game will be scheduled on Monday. Thank you "
Narinig naming announce mula sa mga speakers na nakakalat sa school. So, hindi tuloy ang championship? Sabagay okay lang naman dahil tapos na rin naman ang Finals week so easy nalang kami dahil next week siguro after intramurals ay magce'celebrate naman ang school ng october fest then semestral break na.
"Sis uwi na tayo" yaya agad sa akin ni Zyla.
"Kain muna tayo sa karinderya ni Aling Bea" sabi ko dahil hindi pa din ako naglu'lunch. Sobrang dami kasi ng tao sa cafeteria kanina noong naisipan kong kumain. Kaso nung naubos yung tao dun, saktong may game ang team ng engineering at nursing. Syempre manunuod ako nun dahil dakilang tagahanga lang naman ako ni Aaron Lagdameo na maglalaro sa team ng Engnr.
"Game gusto ko 'yan!!" cheerful niyang sagot.
Sa sobrang excited ko nakalimutan kong kasama ko nga pala si Rei at ganun din siguro si Zyla na nakalimutang kasama niya si Iñigo.
Yayayain sana namin sila kaso paglingon namin ganito ang itsura nilang dalawa (*-.*) (*.-*).
Pareho silang namumula at hindi makatingin sa isat-isa. Ang gay lang? Ano bayan korni nila ha.
Napailing nalang kami ni Zyla sa nakita namin. Haynako! Lovelife nga naman. Tsk tsk.
Patalon talon pa kami ni Zyla na parang mga bata habang papalabas ng school.
"Ang good ng mood ng kambal ngayon ah" masiglang bati ni Kuya Noel na kasalukuyang nakaupo sa guard house.
"Opo kuya Noel. Ito po kasing si Shyla nagyaya kumain. Diba po pag ganun libra ng nag-aaya?" sagot nitong si Zyla.
Pumulupot pa siya sa braso ko at may pout pang nalalaman. Nakita ko nalang na napailing habang natatawa si Kuya Noel.
"Zyla ang kuripot mo talaga. Bahala ka wag kang kumain kung ayaw mong mabawasan ang pera mo!"
Pagdating namin sa karinderya hindi nga siya kumain. Tinititigan lang niya ang bawat pagsubo ko.
Hay nako -_-
" Manang, isa pa nga pong order " sigaw ko kay Aling Bea pero hindi naman yung tipong bastos.
"Para sa akin? Waa! Thank you talaga Shyla your the best. Mwamwamwa"
Medyo naaasiwa man ako sa pinagsasasabi niya at maypa'flying kiss pa. Pwe! hindi ko din naman mapigilang ma'ngiti. Sigurado akong kaunting kambal lang ang ganito, maswerte padin talaga ako.
Childish man siya aaminin ko mas matured siya mag-isip sa akin minsan. Lalo na noong mga panahon na kailangan ko siya.

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Teen FictionKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)