[Shyla's Point Of View]
Grabe busog na busog ako. Naisipan ko naman na maglakad na kami kaysa mag trycicle. Sa totoo lang ang lapit lapit na naman siguro 10 minutes lang nandun na kami sa bahay e. Tsaka para mabawasan din yung bigat ng kinain namin, sabi ko diet ako e. Kaso DIEt ang mangyayari kapag nagkataon.
"Sst" Teka? May sumisitsit ba?
Obvious naman! -_-
Tumingin ako sa paligid, medyo madilim na. "Zyla, bilisan na natin oh" pangungulit ko nakakatakot naman kasi dito.
Tinatabig niya naman ang kamay ko na parang naiinis. "Plea—"
"Ano ba naman Shyla ang tanda tanda mo na. Walang aswang, maligno, baboy damo, butiki o kung ano man dito. Yung boyfriend mo lang -_- "
Ano daw, boyfriend ko? "Nasaan?"
Ngumuso naman siya pointing something, lumingon ako at nakita ko si Aaron.
Si Aaron Lagdameo.
Hindi kayo nagkakamali, boyfriend ko siya at wala ng halong kahibangan 'yung ngayon.
Akala niyo kung pagpantasyahan ko siya hindi ko siya kayang abutin no? Hoy! almost a year din niya akong niligawan FYI lang.
Back to reality
Nang makita siguro niya na alam kong nasa likod namin siya, tumakbo na ito papalapit sa amin.
"Hey! Maiwan ko na kayo sis. Hoy! Lagdameo balik mo sa amin yan ng walang kulang, matatadtad ako ni Mommy at Daddy. Babu! Gora na me"
Hindi na ako hinintay pang makapagsalita ng bruha. Alam niya kasing hindi ako magpapaiwan sa kanya dito. Hahabulin ko naman dapat siya kaso hinawakan ni Aaron ang braso ko,
"Shyla, sorry" sabi niya. Humarap naman ako at tiningnan lang siya ng seryoso.
Hindi pa ako nagsasalita pero nagpaliwanag na agad siya "Nagmamadali ako kanina Shyla at isa pa diba sabi mo ayaw mo na malaman nilang magkakilala tayo. Ayaw mo din na kumalat sa school ang tungkol sa relationship natin. Kahit gusting-gusto na kitang ipagmalaki—" I cut his words
"Oo na, ayaw ko ng pag-usapan pa. Alam naman kasi natin ang totoo di—" ngayon siya naman ang hindi nagpatapos sasinasabi ko
"Anong totoo? Na hindi tayo bagay, dahil isa akong volleyball player at malayo ang identity natin? Kasi ikaw commoner, lampa at walang alam pagdating sa sports? Na hindi ka bagay sa akin? Shyla, ilang beses na nating pinag-usapan 'to. You dont have to down yourself because you're the girl, all i wish for. Wala naman silang alam e. Dont mind them. Its our relationship, not theirs"
Bumigat ang loob ko, knowing na sa kanya nanggaling ang mga comforting words na iyon. May tiwala naman ako sa kanya e, its just that natatakot ako magtiwala.. ng buo.
"Lahat kayo Aaron. Wala pa kayong alam" mahina ko iyong sinabi.
" Ano? May sinabi ka?"
I took a deep breath at nginitian nalang siya para matapos na. Ayokong mag-away pa kami. Minsan lang kami magkaroon ng ganitong klaseng oras.
At isa pa, hindi pa din ito ang tamang panahon.
Tatalikod na ako sa kanya para magsimulang maglakad ng higitin niya ako at saktong pagharap ko ay--
ay--
What the hell
Did we just? KISSED?
BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Novela JuvenilKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)