Chapter 4

821 23 2
                                    

[Shyla's Point Of View]



Did we just? KISSED?



He stole my FIRST KISS? What The!!



"Manyak! manyak! Yung first kiss ko" pinaghahampas ko si Aaron ng walang tigil nong matapos magloading sa akin ang ginawa niya.



"Aw! Shyla. Tama na masakit. 'Di ka ba titigil? Gusto mong ulitin ko pa??" may panunukso niyang ganti. Ugh! sarap gusamutin ng mukha niya!!



Tumigil naman ako. Syempre natakot ako ng gago.



"Okay, ganito nalang Shyla. Kung ayaw mo ng kiss ko— " umakto naman siya na  tila nag-iisip. 



"Tama na nga 'yan Aaron 'di bagay sayo wala kang utak kaya wag kang mag kunwari na nag-iisip 'dyan " parang wala naman siyang narinig miski isa sa panlalait ko.

"Aha! Kung ayaw mo ng kiss ko may choice ka pa naman. Ibalik mo nalang " ngumuso naman siya na parang bata. Ang cute niya ang sarap halikan. Ay! este ang panget, ang sagwa kayang tingnan. Nakakainis yung mga ganyan ganyan nya.



Hinarangan ko naman ng palad ko ang buong mukha niya

"Sineswerte ka gago!"

"Joke lang babe, tara muna sa mini park dito"  bigla niya namang hinawakan ang kamay ko. Aangal pa sana ako kaso, ngayon lang ulit kami nagkausap at nagkasama.



I found it sweet na tumatakbo kami ngayon na magkahawak ang kamay. Parang yung sa mga telenovela lang :)



Nakarating kami  sa mini park ng village. Agad naman siyang humiga sa damuhan, may mangilan ngilan ding couples dito.



Hihiga na 'din sana ako pero bigla niyang sinalo ang likod ko "Wait Shyla, baka madumihan ka. Sandali lang " nagmadali siyang bumuklat ng bag na bitbit niya. Ngayon ko lang naalalang naka-uniform pa pala kami 

 "Oh pwede ka ng humiga. Tingnan mo, ang ganda ng langit oh "  sinabi niya 'yon habang nakatingin sa langit . Tumabi naman ako sa kanya at humiga sa nilatag niyang t-shirt.





Tahimik lang kaming nakatingin sa kawalan, kitang-kita ko mula dito ang lawak ng langit at ang hindi mabilang na mga bituin "Alam mo Aaron, at first kinakahiya ko ang sarili ko. Pero kapag kasama kita parang wala akong dapat ipag-alinlangan kung sino ako. Kaso napakahirap talagang aminin para sa akin ang totoo. Madrama na ba? Sige wag na nga lang nasusuka na  din  ako sa sinasabi ko e' haha. I love you Aaron, Aaron? Uy Aa—"



"Zzzzz"  Bwisit to! nagdadrama pa ako dito tapos tutulugan lang pala ako. Hayy nako! Siguro napagod 'to sa laro tapos ang peaceful pa ng lugar. One thing na mapapansin mo talaga sa mga lalaki, gusto nila ng tahimik na lugar. Ganung ganun kasi itong isang to e.

"I love you Aaron " pabulong na sabi ko malapit sa tenga niya. I can feel his warm breathe kasi paglingon ko saka ko lang napagtanto na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isat-isa. 

Nakakatemptate ang seductive niyang lips. Bakit ganun? Nakakaadik ba yun na once you've tasted it e uulit ulitin mo na--Ayy! ano bayan. Kalandian yon! Pwe.



Pero tulog naman siya diba? walang kaso, isa lang naman e' pumikit na ako at gagawa ng isang makasalanang gawain ang paghalik  este ang PAGNAKAW ng halik—



"Ahem Shyla" 

0.0  bigla naman akong napa-upo at nag-ayos ng sarili. I heard him chuckled. Natawa siguro siya sa reaksyon ko.



"Tara na!" natatawa niya paring pag-aya sakin.

 I can't face him right now. God! I really can't, pulang pula ata ang mukha ko sa kahihiyan.



"Di mo naman sinabi, gusto mo pala ibalik yung kiss ko sayo kanina. 'Di sana yung gising na gising ako diba? Hahaha"  pahabol niya pa. Asar talaga ang damuhong nato!

Ang hirap magdalaga. Ang hirap lumandi. Leche! Haha.



"Tse! may lamok lang sa mukha mo hinihipan ko "  palusot ko. 



Bumenta ka! Bumenta ka—"So, it happened na nakapikit ka? Galing mo ah babe. Bago na pala ang pagbubugaw ngayon? Hahaha!" 

Bwisit talaga bigwasan ko kaya siya ng isa? Sarap e. Tsk!



Inasar niya lang ako ng inasar hanggang sa makarating  na kami sa bahay. 



Inihatid niya ako hanggang sa gate at nagpaalam na 'din kayna Mom and Dad na kasalukuyang hinihintay ang pag-uwi ko.



"Bye  Babe, I love you! Next time sabihin mo ha, para ready naman ako. Una na po ako tito, tita"  



Saka siya naglakad palayo. Parang nag-slow motion ang pagharap ko sa gawi ni Mommy and Daddy.



Sana hindi nila na-gets—"Shyla Venice! Get In"  



Okay. PATAY NA!



Aaron Lagdameo!! Kahit kailan bwisit ka sa buhay! Pasalamat ka nalang mahal kita e. UGH -___-







Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon