Chapter 47

252 6 5
                                    

[Zyla's Point of View]

"Sis, do you really have to do this? I mean sigurado kaba? Kaya mo ba? Sis pwede pa natin tong sabihin kay Da--"

"Zyla! Thankyou pero okay na ako. Mas okay pa nga to."

"Paano ako? Si Kylie? Si Mommy" sabi ko.

"KAMI" sabay na sabi Iniego at Rei.

Kami nalang apat ang nagdesisyong ihatid sa mismong papasok si Shyla dahil iyak na ng iyak si Mommy at Kylie tapos si Dad parang ewan ko ba, 'di ko siya maintindihan.

"Si  Lagdameo, hindi mo man lang ba siya pagpapaliwanagin? Sis, i know meron siyang pali-"  di na ako pinatapos ni Shyla.

"Alis na ko, Sis, Bessy, Ikaw Iniego! Alagaan mo itong kapatid at bestfriend ko ha! I trust you. Bye" pinilit niya pading magpakatatag.

Sa huling pagkakataon niyakap niya kami.

Tuluyan niya ng pinanindigan ang desisyon niya. Ang gusto ni Daddy.

Dumiretso kami sa isang fast food restau. para kumain. Nakahiwalay kami ng table kayla Mommy since natatakot daw si Rei kay Daddy.

"Hindi ko alam kung maaawa ako kay Aaron o maiinis o manghihinayang ba!" pambasag ko ng katahimikan.

"Noong sinundan ko silang dalawa nakita at narinig ko lahat, pinapili ni Shyla si Aaron between her or Syrene. Pero ang sabi ni Aaron hindi daw sila option para pagpilian" sabi naman nitong si Rei.

Tama nga naman. Pero mali eh, ano ba! Ang gulo.

"Gago pala siya eh! Kunwari pa siya! Eh kung ako naman yun syempre sasabihin kong si Shyla. Yun ang mahal ko eh. Para san ba naman kung hindi niya piliin si Syrene kung sapat na si Shyla! Pucha" eto namang si Iniego.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Napaka swerte ko dahil bestfriend ko siya. Lalo na siguro si Rei.

Ano kayag mangyayari sa kanya dun?

Totoo ba yung sinasabi ni Syrene na ipapakasal siya kay Jonathan?

"Pero hindi daw ginusto ni Aaron yung kasal, hindi naman talaga dapat ang isasagot ni Aaron dun kung nagkaroon lang daw siya ng pagkakataon pero nandoon na daw si Shyla! At ayon naman sa rules ng booth na hindi pwedeng umayaw ang napiling lalaki sa insisted marriage. Pero pwede siyang humindi sa tanong"  yun yung dapat ay ipapaliwanag ko kay Shyla pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.

Nakakatawa na isang kasal'kasalan lang ang sumira sa lahat.

Isang KASAL'KASALAN LANG ang SISIRA SA LAHAT

"Pero dapat pinili niya padin si Shyla! Binigyan na siya ng pagkakataon diba? Gago talaga!" pagmamatigas ni Iniego.

"She chose Shyla!" Mahinahong sabat ni Rei "Noong sinigawan ni Shyla si Aaron, hindi agad sya nakasagot. Parang nasa state of shock sya noon, kaya agad na sinabi ni Shyla na tapos na sila. Pero--sumagot si Aaron na "Shyla' i choose you, i choose to be with you" Ayun yung eksakto niyang sinabi pagkatapos ay lumuhod na siya at nag wala sa damuhan. Hindi ko na alam ang nangyari nun kay Aaron dahil sinundan ko si Shyla at sa tingin ko ay hindi niya na narinig yung sinabi ni Aaron dahil mahina lang yun."

Ngayon naiintindihan ko na.

Ganito ba talaga kakomplikado ang love?  Ang hirap intindihin! Mas gusto ko pang magsolve nalang ng math equations kesa dito!

xx

[FAST FORWARD] @States.

Pagkalabas ko ng eroplano, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ang tanga! Ano nga bang ipinunta ko dito? Samantalang damit at credit card ko lang ang dala ko. Bahala na!

Kumirot naman yung puso ko noong nakita kong mayroong mga sumundo sa iba kong kasabay na lumabas, samantalang ako? Ni wala nga akong kamag-anak man lang dito.

Ang alam ko lang nandito yung family ni Jonathan, tama! Oo nga.

Pero wala akong # niya na pwede dito :3

Hanggang sa nakita ko yung medium size na sign board at ang nakalagay "SHYLA VENNICE VILLEGO" with matching picture ko pa.

WOW HA! Ang rich.

Lumapit ako sa lalaking may hawak ng sign board.

"Ahm Hi? I think Im the one youre looking for?" Agad niya namang binaba ang sign board at tiningnan yung picture.

Tingin sa picture

Tingin sa akin

Tingin sa picture

Tingin sa akin

"Pwede na" GREAT! Marunong pala siyang magtagalog.

Pero ano daw? PWEDE NA? "Nang-aasar ka ba kuya? Ako nga yan. Ako si Shyla"

Abat si kuyang ito hindi pa nakuntento. Idinikit pa yung sign board sa may left side ng mukha ko, para ipagkumpara.

Ugh -_- kinuha ko nalang and ID ko sa wallet at ipinakita dito.

"AY! Sige po Ms. Shyla, medyo nangayayat po kasi kayo at medyo iba ang itsura nyo sa picture kesa ngayon"

Bumuntong hininga na lang ako, Im tired. Wala akong panahon dito.

"Tara po Ms. Shyla. Si Mr. Hyme Villego  po ang nag'hire sa akin para dalhin kayo sa address na ito"

Tapos ay mayroon siyang iniabot sa akin na isang papel. May address na nakasulat at Agoncilio's Residence

Agoncilio? So it means, kay na Tita Dheyn ako pupunta? Kay na Jonathan?

Ugh. Hayaan na nga lang.

Sana naman okay to? Atleast kahit isang bagay lang, may mangyaring maganda sa akin.

~~

Till next chapter.

@Ris

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon