[Shyla's Point of View]
"Miss Shyla nandito na po tayo, pumasok na po tayo sa loob"
Pagtingin ko sa bahay kung saan kami tumigil, halos lumuwa ang mata ko.
Ipapaampon na ba ako ni Daddy? Mukhang bahay ampunan to e. Kung tama man ang nasa isip ko na kayna Jonathan to.. NAGKIKITA PA BA SILA DITO?? I mean, mayaman naman talaga sila pero hindi ba sobrang laki nito para sa kanilang tatlo lang?
Iisang anak si Jonathan at wala na akong ibang alam na maari pang tumira kasama nila dahil yung both grandparents niya ay wala na.
Hindi naman nakakapagtaka kung yumaman lalo sila. Ang alam ko mas naging successful ang business dito ni Tito Jun, pati ang career ni Tita Dheyn sa pagiging author ng mga pocketbooks. Yes, she's a writer. And I OWE HER TALENT! :)
Number 1 fan nga ako ni Tita lalo na noong highschool, but then mas nauso na ang wattpad noong nagcollege kami at mas angkop daw yun sa age namin.
Kaya si Mommy nalang ang bumibili ng mga libro niya.
Back to reality, HAYY!
Hayyy!
Hayy! Pero isipin niyo lang na magkakasama sila dito. Samantalang ako? Eto, mag isa! To think na. Nextweek ay birthday ko na. Ang galing no?
I will celebrate it ALONE! Happy nun diba?
"Miss Shyla, wala po ba kayong balak pumasok?"
"Ahh sorry po, madami lang iniisip" ngumiti ako ng kaunti at pumasok na sa loob.
Pagpasok ko ng gate, may nag aayos ng garden na dalawang made.
"Good morning po ma'am"
"Ahm Shyla na lang po" sabi ko sa kanila. Mga pilipino din?
Ang lawak dito labas pa lang ano pa kaya sa loob? nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Iha? Shyla! Nako ang batang ito, halika anak" nakuha ng isang matanda sa may main door ang atensyon ko. Sumisigaw siya mula roon.
Nang makalapit kami.. "Nay Lora!!" napayakap nalang ako sa kanya.
Nung niyakap niya rin ako, parang pakiramdam ko yakap ako ni Mommy,
It feels like HOME :)
Tinapik niya ang balikat ko at nakangiting kumalas sa yakap ko.
"Tama na muna iyan anak! Halika dito sa loob. Dyusko, tatlong taon kitang hindi nakita. Mas lalo kang gumanda, pero nangayayat ka ah? Parang may iba sayong bata ka"
At ayun nga pumasok kami sa loob ng bahay, ANG LAKI! SOBRANG LAKI
Si nanay Lora nga pala ang yaya ni Jonathan. Siya din ang nag-alaga kay Tita noong bata pa daw siya. Parang parte na din siya ng pamilyang ito.
"Kayo po talaga nay! Baka nanibago lang kayo. Pagod lang po ito" pinilit ko ulit na ngumiti.
Hayy! Ang hirap ng ganito. Nakakapagod na
"Oh siya! Dito ka na dumiretso sa hapag at ng makapag almusal ka na. Kanina ka pang hinihintay nila Jonathan. Hayaan mo na lamang sila na ang mag-akyat ng gamit mo sa kwarto. Napaayos at nalinis nadin yon para sa pagtira mo dito"
Kinuha naman ng mga maid ang gamit ko
"Po? Dito po ako titira?" medyo napalakas ang pagkakasabi ko nun.
Eh sa nagulat ako eh! Akala ko naman kasi pansamantala lang para lang hindi ako mahirapan kasi maga'guide nila ako dito. O kaya sila ang tutulong sakin para makapag start dito.
BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Fiksyen RemajaKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)
