Chapter 13

595 17 4
                                        



— Flashback —



[Shyla's Point of View]




" Saan ka ba pupunta Shyla?" tanong ng kakambal kong si Zyla,



" Pupuntahan ko si Jyron. Ibibigay ko sa kanya 'to monthsary gift ko " masaya kong sagot



" Pupuntahan mo na naman yung seloso mong boyfriend. Tapos ano? kokomprontahin ka na naman niya tungkol sa kung ano-anong sinasabi ng mga babaeng patay na patay sa kanya na naninira sayo? " panunumbat sa akin ni Zyla. Simula una palang ganyan na siya kay Jyron.



Pinagtitinginan na naman kami ng nadadaanan namin. Pero wala akong paki-alam kung pag-usap usapan nila ako.



Sikat na soccer player ang boyfriend ko at ako naman varsity player ng volleyball. 1st year college palang kami pero kilala na kami sa school dahil narin siguro sa mga nagdaang activities.



Marami ang nagsasabi na were perfect for each other daw, kasi pareho kaming sikat. 



Pero dahil sa sobrang seloso ng boyfriend ko, madali siyang naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya.




Kesho may kasama na naman daw akong lalaki, 




Palagi daw akong inihahatid ng isang basketball varsity sa bahay which is my childhood  friend Jonathan kasi mag bestfriend ang daddy ko at daddy niya.



Kaya ganun kami ka-close since then I treat him as a brother nothing more nothing less. Di kalaunan ay naging magbestfriend nadin kami dahil sa halos araw araw kaming magkasama.



Ewan ko ba kung bakit ganoon nalang ang galit niya kay Jonathan, parang hindi nalang yon tungkol sa akin e' parang may iba,



Si Jonathan kasi ang tipo ng lalaki na sweet sa akin, he respects and treasure our friendship.



Kahit na alam ko na may nararamdaman siya para sa akin walang nagbago kasi hindi niya pinipilit ang sarili niya.




But  everytime na magpapaliwanag naman ako hindi siya naniniwala. May time pa nga na kasama ko si Iñigo at si Zyla. Bigla nalang siyang lumapit at gumawa ng eskandalo sa harap ng kakambal ko, kaya ayan #1 hater siya ng relationship namin.

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon