Chapter 20

472 9 6
                                    

[Aaron's Point Of View]



 "Shyla??"  bulong ko pero sapat na yung rinig niya.



Rinig niya at nung kasama niya! Sobra akong nag-aalala tapos makikita ko may nakayakap sa kanyang  ibang lalaki? Gaguhan pala 'to e.




"Aaron? Anong ginagawa mo dit—"



*boogsh*  napasalpak ako sa damuhan.


Aba! Pota, ako pa ang nasuntok dito?



"Pare anong problema mo! Ikaw na nga yung nakayakap sa girlfriend ko, ikaw pa ang may ganang magsimula ng gulo!!" sigaw ko, pinupunas ang dugo sa may gilid ng labi ko.




"Pare! Umiiyak tong babaeng to' Ikaw ang may dahilan nito—"




" Tama na!! Jonathan HINDI!! Walang ginagawa si Aaron sakin"  tumakbo naman si Shyla papalapit sa akin "Okay ka lang ba?"  pagpapatuloy niya.



Tumango lang ako pero may matalim pa din na tingin sa lalaking nasa harap ko ngayon.



Jonathan? Saan ko ba narinig ang pangalang yon?



"Sino ka!" matigas kong tanong.



"Psh! Jonathan" pakasabi niya nun, umalis na siya.



Bago ko pa makalimutan dahil sa init ng ulo, bumaling na ako kay Shyla.




Siya naman talaga ang pinunta ko dito at hindi ang kung sino mang pesteng yon.




"Babe, im sorry" sabi ko kay Shyla at niyakap siya "Huwag kang mag-alala, hinding hindi kita aalisin sa paningin ko. Bukas na bukas, babantayan kita"




"Pero magkaiba tayo ng class, we have different schedules.Isa pa, okay lang ako"




"Gagawa ako ng paraan. Ayaw kong nasasaktan ka, hinding-hindi ko hahayaan na may makapanakit pa ulit sayo"

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon