[Shyla's Point of view]
"Zyla!! Monday na" sigaw ko kay Zyla.
Una ata akong nagising sa babaeng to? World record Hahaha.
"Shyla, I have dysmenorrhea. Argh! Ipagpaalam mo nalang ako sa mga prof. natin" sa tingin ko mukhang hindi naman siya nagbibiro.
"Okay?" nag-aalinlangan kong sagot. Parang may mali?
xx
*Bzz *Bzz
From : Aaron <3
Babe? Saankana? Nandito na ako sa gate, I'll wait you here. Double time!
Double time? Ano to practice. Tss
To: Aaron <3
K. Copy!
Nagmadali na ako, mag-isa lang akong naglalakad ngayon kasi hindi nga papasok si Zyla. Walking distance lang naman.
Kanina ko pa din iniisip kung ano ang nakalimutan ko? Hm.
Parang meron talaga eh :3
Nung nasa tapat na ako ng school nakita ko na si Aaron.
Nakasandal siya at nakahead phones, napanga-nga ako bahagya noong nakita kong naka jersey uniform siya.
Alam ko na ang nakalimutan ko! Punyeta -_-
"Shyla? Anong ngina-nganga mo diyan? Tara na magsisimula na ang championship"

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Teen FictionKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)