Shyla's Pov
"Kita niyo yan guys? Boyfriend material na sa bestfriend pa lang! Eh panu kung sa girlfriend na? Uwaaa! Nagha-hyperventilate na ako sa kilig ditoooo! " Ang lakas ng sigaw ni Rei at proud na proud pang hinihili yung mga taong nakakita sa ginawa ni Jonathan.
"Ateeee! Kuya! Sa wakas nakita din namin kayo. Mag bestfriend lang kayo? Hala! Sayang naman bagay po kayo tulad noong nakita naming magkahawak ng kamay kanina" bigla bigla nalang sumulpot sa gilid namin yung mga highschool freshman na tinakasan ko kanina.
"Hahaha! Pero dont worry. Sasama kami sa inyo" Nagulat ako sa sinabi ni Jonathan kaya pinandilatan ko siya pero 'ano' lang ang isinagot niya sa akin na may kasabay pang nakakalokong tawa.
Napabuntong hininga na lang ako.
xx
"Ate! Kuya! Dito na po tayo! Sama po kayo sa akin sa table pong yun"
Tumingin ako sa table na tinuro ng batang ito at saktong katabi lang noon ang table na si Aaron at Syrine ang nakaupo.
At ang scene na naabutan ko ay hinawakan ni Aaron ang kamay ni Syrine at may inabot siya sa bata na nag-aasikaso sa kanila.
Halos kulang na lang ay maging puso ang mata ni Syrine. Gusto kong makita ang reaksyon ni Aaron pero nakatalikod ito sa akin.
Matapos noon ay umalis na sila.
"Oh ayun po sila ate! Nakita kasi namin sila kanina. Medyo badtrip pa nga po ata si Kuya eh pero hawak po ni Ate yung kamay niya kaya naisip po namin na baka magbabati sila dito" mahabang lintanya ng bata na pumapatungkol kay Aaron at Syrine.
Ganun? Ugh!
"Shy! Kumukunot na naman yang noo mo!" Bulong sa akin ni Jonathan habang sinusundan namin yung bata.
Nag-usap na lang kami ni Jonathan habang kumakain at noong matapos na kami " Kuya! Eto na po ang fee para sa dating booth"
Ngumiti naman si Jonathan "Ahh sige! Dahil napapayag niyo syang makipag date sa akin o eto! I'll give you a reward alam kong nahirapan kayo sa paghabol niyo kanina :')" saka niya tinap ang ulo ng bata.
"Talaga po kuya? Salamat po dito :)"
Tuwang tuwang bumalik yung bata sa kasama niya at ipinakita yung labis na perang ibinigay ni Jonathan. Naalala ko nung 1st year highschool pa lamang din kami. Wala pang iniisip na mabibigat na bagay at problema.

BINABASA MO ANG
Player's Girlfriend
Teen FictionKapag ba sinabing Player, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ahh! alam ko, bago ka mabitter dyan . BASAHIN MO MUNA ITO Enjoy :)