CHAPTER 2

97 3 1
                                    

"Ma'am,dineliver na pala ni Mario ang mga pagkain na inorder ng mga customer natin online.At mamayang 1:00 P.M pala ay dadating ang mga mangga galing sa supplier natin sa Tarlac."anunsyo ni Gina habang naglalakad siya papunta sa opisina niya dito sa restaurant.

Tumango naman siya bago huminto at humarap sa pinagkakatiwalaan niya dito sa restaurant pag wala siya"Okay.Thanks for informing me.Puntahan mo lang ako sa kusina mamaya pag dumating na ang mga mangga.Ako mismo ang titingin sa mga ito."paalala niya kay Gina na mabilis namang tumango"Copy po Ma'am."yuko nito at nagpaalam nang babalik na sa counter.

Dun niya inassign si Gina sa counter dahil pansin niyang magaling itong makipag-usap sa mga customer.Waiter lang ito nung una pero inilipat niya makalipas ang ilang buwan sa counter area.

Tuluyan na siyang pumasok sa opisina niya at mabilis na inilapag ang dalang bag sa table niya.Itinali niya ang nakalugay na matuwid na buhok at mabilis na isinuot ang hairnet for PPE.Para di madumihan ang suot niyang hapit na floral dress mamaya sa kusina ay isinuot niya na din ang white apron niya.Tiningnan niya kung maayos na ba siyang tingnan at akmang lalabas na ng opisina nang dumako ang tingin niya sa bag.Mabilis niyang kinuha ang phone sa loob ng bag at tiningnan kung may text/chat ba si Jaylein pero napanguso siya ng wala man lang kahit isang reply sa mga text niya kaninang pag-gising niya.

"Pabebe pa yung lalaking yun.Kainis."mahinang bulong niya at inis na ini-off ang phone at ibinalik ito sa loob ng LV bag niya.

Dumiretso na siya sa kusina pagkalabas na pagkalabas sa opisina at binati lahat ng naka assign sa kitchen.Mga limang crew ang tumutulong dito sa kitchen.Lima naman sa labas-apat na waiter at si Gina na naka-assign sa counter.

"Anong niluluto niyo?"
tanong niya habang tinitingnan ang ginagawa nila.May naghahalo,may naghihiwa at priniprepare ang mga ingredients at kung ano pa.

Lumingon muna sila sa sulok kung saan nandoon ang assistant cook niya na tutok na tutok sa mabilis na paghiwa ng kung anong ingredient"Katatapos lang po naming lutuin ang mga inorder online Ma'am.Inutusan kami ni Chef Trae na lutuin ang iba na nasa menu.Kung anong kaya na naming lutuin tas siya na daw ang bahala sa mga main recipes/menu na di namin kayang lutuin."sagot ng isa sa mga crew niya-Si John.

Tumango-tango naman siya at nagtanong ulit"Kailangan niyo ba ng tulong ko diyan?"sabay turo niya sa ginagawa nila.Sabay naman silang umiling lahat kaya marahan siyang natawa.

"Hindi na po Ma'am.Kaya na namin toh.Tulungan niyo nlang po si Chef Trae sa ginagawa niya tas tatawagin ka nalang namin mamaya para tikman kung okay na ba ang luto namin."tanggi naman ni Rick-isa pang crew niya.

Nagkibit-balikat naman siya bago dumiretso sa assistant cook niya.Lumingon ito sa kanya sandali bago itinuon ulit ang atensyon sa ginagawa."Anong gagawin mo?"kaswal na tanong niya sa assistant chef niya.
"Baka gagawa ng Cake.Lalagyan ko ng paminta at toyo para lalong sumarap."sarkastikong sagot nito kaya di niya mapigilang mainis.Naghihiwa ng karne pero gagawa daw ng cake.

Sinong gagong chef ang gagawa ng ganon.

"Sagutin mo ko ng maayos Mendez."mariin na usal niya at bahagya itong pinalo sa balikat.

"Tsk.Chef ka diba?Tingnan mo lang ang mga ingredients na hinanda ko diyan sa gilid,malalaman mo na."asik nito at hinugasan ang karne sa sink.

Tiningnan naman niya lahat.May paminta,suka,toyo,pine-apple cubes,onion,garlic,laurel leaves at iba pang pampalasa.Tumango-tango siya ng mahulaan ang lulutuin nito"Special pork adobo with pine-apple ang lulutuin mo."sigurado hula sa lulutuin nito.

Pabuntong-hininga naman siyang hinarap nito"Mabuti pa Chef Lagria ay magsimula ka na ding magluto dahil baka abutan pa tayo ng customer dito.At hilaw ang maipapakain sa kanila ngayong tanghalian."utos nito sa kanya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon