CHAPTER 29

34 1 0
                                    

"Nasaan siya?"tanong niya kay Ramuel ng makapasok siya sa gaybar. Ayaw na sana niyang pumunta dito pero dito gustong makipag-usap ng ex niya tungkol sa restaurant ng nobya.

"Nandoon sa VIP Room. Alam ba ng bebe mo na magkikita kayo ng gago mong ex?"inis nitong tanong sa kanya habang paakyat siya ng hagdan.

"Yeah,I explained to her before I get there Theodore."sagot niya dito.

Nalukot ang mukha nito sa itinawag niya pero tinawanan niya lang ito. Iginiya siya ng kaibigan papunta sa VIP Room at ito na din ang nagbukas ng pinto.

"Puntahan mo nlang ako sa office kung may kailangan ka. Wag kang magpapauto diyan ulit kung ayaw mong isumbong kita sa jowa mong bruha ka."paalala pa nito bago siya iniwanan.

Napailing nlang siya sa kaibigan bago naglakad na palapit sa ex. Nakatitig ito sa kanya at prenteng nakaupo sa sofa. Tahimik siyang umupo sa kaharap nitong sofa at malalim na napabuntong-hininga.

"Why did you choose to buy the exact lot of where my girlfriend's business? Are you doing it on purpose?"mahinahon niyang tanong at sumandal sa sofa.

Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan nito sa pagbili ng naturang lote. Alam nitong may restaurant na nakapwesto doon kaya bakit yun ang napili nito. Baka kasi ginagawa lang nito iyon para maghiganti o pahirapan ang nobya niya. Ang daming pwedeng pwestohan sa buong Maynila pero bakit ang pwesto pa ng nobya ang napili nito.

"I'm not the one who choose the lot. My mother did. She just command me to go in that place for checking and paying it. I didn't even know that the restaurant was owned by your girlfriend Jaylein. Look,if you're thinking that I'm doing this for revenge or to hurt you,then your wrong. You know that I can't stop my Mom. I need to obey her."sabi nito sa kanya.

"I know how strict your Mom is Richard but the lot that she wants to have is very important to my woman. The restaurant means so much to Maika and she will get sad if your Mom buy it. And as her boyfriend,I'm willing to help her in keeping it. So,please stop this nonsense and find another one."

Naiiling na bumuntong-hininga ang lalaki sa kanya"Jaylein, I can't do that thing. It's better for you to let us buy the lot and your girlfriend should find another one. My mother have a high interest in that lot especially that it's near from many people. The cafe will be good in that place. And even that you try to ask someone to help you,it's useless. My mother paid a big amount to the owner of that lot and we can't do anything about that. I'm sorry."pagtatapos nito at tumayo na mula sa kinauupuan sabay lapit sa kanya. Tahimik nitong tinapik ang balikat niya bago iniwan siya sa loob ng VIP Room. Problemado siyang napasandal sa sofa at inis na nagulo ang buhok. Ang dami niyang koneksyon at sangkatutak na pera. Kaya niyang bilhin ito ngunit makapangyarihan din ang ina ng ex niya. At wala din siyang magagawa dito dahil ang may-ari na ng lote ang may gusto. Kahit bayaran niya ito ng mas malaking halaga ay matutumbasan pa rin yun ng ina ng ex. At baka may mga pinirmahan na din yung mga papeles kaya wala na talaga siyang magagawa. Ayaw niya namang gumamit ng maling paraan sa pagpigil nito dahil matinding kamalian yun at baka malaman din ng magulang niya pagnagkataon.

Ipinikit niya ang mata at nagpahinga sa sofa ng pumasok ang kaibigan niya. Nakasunod lang ang mata niya sa kilos nito paupo sa inupuan ng ex niya kanina.

"Hmm,what happened beks?"usisa nito.

"He can't stop his Mom."pabuntong-hininga niyang sagot.

"As expected, Richard is being controlled by his mother. What are you going to do now? I bet Maika's expecting that you can stop your ex to save her restaurant."

Nanatili siyang nakapikit at malalim na napabuntong-hininga ng maalala ang masayang mukha ng nobya kanina bago siya pumunta dito sa bar. Pinangako niyang matutulungan ito pero sa naging pagtatapos ng usapan nila ng ex ay parang manghihinayang o magagalit yata ang nobya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon