CHAPTER 42

56 1 0
                                    

"Mag-iingat kayo do'n. Ingatan mo yang anak ko hijo."bilin ng ina ni Maika sa kanya matapos niyang ilagay ang maleta ng nobya sa compartment ng kotse niya.

"I will Tita. Thank you for letting Maika come with me po."nakangiting sabi niya at lumapit para yumakap sa ina ni Maika.

"Oh, sige na at baka malate pa kayo sa flight niyo."sabi nito sa kanya.

Tumango naman si Jaylein at naglakad papunta sa driver's side. Binuksan niya ang pinto at kumaway pa ulit sa ina ni Maika na nakatingin sa kanila sa bukas na gate.

Pumasok siya sa loob at naabutan ang nobya niya sa passenger seat na nakatingin din sa ina mula sa nakabukas na bintana.

Maingat niyang pinaandar ang kotse at tinahak ang daan papunta sa airport.

"You okay? Do you want to eat something?"baling niya kay Maika habang nagmamaneho.

"No. Are we going to ride on your private plane?"tanong nito sa kanya.

"Yes, in this hour, many people will be in the airline."

Tumango lang ang nobya at nagtingin-tingin sa labas. Saglit itong napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay nito habang ang isa naman ay gamit sa pagmamaneho.

"Thank you for coming with me Mai. I love you."malambing na sabi niya dito at pinisil ang kamay na hawak.

"I love you too."nakangiting tugon nito sa kanya.

Masaya lang silang nag-uusap habang tinatahak ang daan. Paminsan-minsang may kapilyohang ginagawa sa tuwing stop ang traffic light. Hindi din nawala ang pang-aasar niya dito. Ang dali lang kasi mapikon pero nadadaan naman niya sa paglalambing ang nobya kaya wala siyang problema.

Nang makarating sa airport ay sinalubong sila ng mga tauhan niya. Nakasuot  sila ni Maika ng white hoodie kaya madali nilang natabunan ang mga mukha nila. Suot din nila ang isang black coat at parehong suot ang specs at black mask nila.

Lihim nlang siyang napatiim-bagang nang may nagtangkang tumulak kay Maika habang naglalakad sila papasok. Mahigpit niyang hinawakan sa kamay si Maika at mas inilapit pa sa katawan niya para maprotektahan sa mga tao sa paligid.

Napabuntong-hininga siya ng tuluyan silang makapasok sa loob ng airport. May isang babaeng taga inspection na akmang kakapain ang katawan niya pero pinigilan niya ito"Don't touch me."angil niya dito, nasa likuran niya si Maika.

"Sir, kailangan po ito para macheck kung safe ba talaga at para malaman kung wala ka bang dalang delikadong bagay po."paliwanag nito sa kanya.

Salubong ang kilay na ibinaba niya ang suot na mask dahil sa sinabi nito.
Alam niya kung para saan pero alam din niyang kapag lalaki ang pasahero ay lalaki din ang magkakapkap sa kanya. At para saan pa ang lintek na hawak nitong bagay na ginagamit sa
pag-iinspeksyon kung hindi naman nito gagamitin.

"I fucking know that but you should also remember that their are gender rule here. If the passenger is a man then the guard that will inspect should be a man."mariin niyang sabi dito."And I'm not stupid and blind to not see that fucking thing you holding."inis niya pang turo sa hawak nito.

Napapahiyang yumuko ang babae dahil sa sinabi niya. Inis niya itong sininghalan at nilagpasan ito, hatak niya ang nobya.

Alam niya ang ginawa ng babae kanina. Rule o protocol yun sa airline na inspeksyonin ang mga pasahero pero hindi din naman kailangan na hawakan pa talaga ang katawan niya. Siguro dahil sa kilalang tao o sikat siya kaya nagawa yun ng babae pero sa trabaho kailangan nitong maging professional. Kahit crush o jowa mo man yang kaharap mo habang nagtratrabaho, kailangan pa ring manatili ang professionalism..

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon