"Fuck it!"malutong na mura ni Jaylein ng makabalik siya sa penthouse.
Hindi niya naabutan ang dating nobya. Nang makababa siya sa lobby ay nakita lang niya ang sasakyan nitong nakaalis na.
Hinang-hina siyang napasandal sa sofa ng living room at habol ang hininga. Ramdam niya ang pagod pero mas lamang ang panghihinayang sa pag-alis ni Maika.
"Who's that woman Lein?"biglang tanong ni Kately galing sa likuran niya kaya napalingon siya dito.
Napayuko siya dahil sa hindi alam ang sasabihin. Habang inaaala ang mukha ng dating nobya bago siya nito iwan ay hindi niya maiwasamg masaktan. Naguilty siya sa ginawa niya kanina na naging dahilan para sumuko sa kanya ang babae.
Naramdaman niya ang pag-upo ni Kately sa tabi niya pero di niya ito nilingon.
"Who is she?"ulit na tanong nito sa kanya.
"My ex-girlfriend who loves me the most."pagak na sagot niya, sising-sisi sa nangyari.
Hindi naman pwedeng sisihin niya si Kately sa nangyari dahil alam naman niyang nadala lang sila pareho. Hindi nila intensyong magkahalikan. Dala lang din yun ng konting wine na nainom nila kanina.
Kung hindi lang siguro sila pumasok sa kwarto niya. Kung hindi lang sila tinamad na hintayin ang panibagong red wine ay siguro hindi nangyari yun.
"And she wants you back? She's the woman you still love right?"tanong nito kaya bumaling si Jaylein dito.
"Yeah, she wanted me back and I still deeply inlove with her but now, she already give up.", malungkot na ngiti niya.
Kung sana ay hindi siya nagpakipot, baka nandito pa rin ang mahal na babae. Eh di sana masaya na siya.
Napayuko siya at pilit na pinipigilan ang emosyon na nararamdaman. Ayaw niyang may makakita sa pag-iyak niya. Bakla na nga siya tas iiyak pa sa harap ng kaibigan.
"Lein,you can still win her back."kaswal na sabi ni Kately kaya napalingon si Jaylein dito.
"How? She already give up on me Kate."
"And that doesn't mean you will give up on her. If you really love her, you are willing to do anything to win her back. Show her how much you love her. Show her how much she means to you. Show her how much important she is on you. Show her that you can't live a life without her. Giving up is not good for a man like you Lein."
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay napalingon siya dito at napangiti na rin. Hindi nito alam kung gaano kaimportante sa kanya ang mga sinabi nito.
"Thank you and sorry for the thing happened between us last minute."nahihiya niyang sabi.
"No, it's okay. Kissing you was.... you know...... a good thing..."natatawang iling nito.
"What do you mean?"kunot-nuong tanong niya.
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng babae.
"You're a good kisser.....an expert one."pang-aasar nito sa kanya.
"W-What?"
"Well, I was doubting you know.....if you really know how to kiss when I first saw you. And now,I can conclude that you're an expert."kibit-balikat nitong sabi, parang wala lang dito ang nangyari sa kanila kanina.
Napailing nlang siya at napabuntong-hiningang sumandal sa sofa.
Hindi na siya dapat magulat dahil sa ibang bansa lumaki ang babae. Doon ito nanirahan at paniguradong normal lang nito ang nangyari. Parang fling lang o flirty act.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA