"Couz,hindi mo ba talaga papansinin yan? Ang ingay na eh."nakabusangot na reklamo ng pinsan niya na hilig mambulabog sa bahay ng magulang niya.
Saglit na nilingon ni Maika ang phone sa table na wala pa ring tigil sa pagriring,kanina pa tumatawag ang nobyo niya pero ayaw niya itong sagutin. Nagalit at nainis siya dito eh.
Binalingan niya ang pinsan at inirapan ito bago ibinalik ang atensyon sa mga papeles niya sa lamesa. Mula pa kagabi ay iniiwasan na niya ang nobyo dahil sa matinding galit niya dito. Mababaw para sa iba pero hindi sa kanya.
Nag-expect siya siya na mapipigilan nito ang ex pero hindi pala nito nagawa. Importanteng-importante sa kanya ang restaurant niya kaya sa halip na magpatulong sa nobyo ay siya nlang ang gagawa ng paraan. Tinitingnan niya kung may sapat ba siyang pera para higitan ang ibinayad ng ex ng nobyo kay Madam Cely. Gusto niyang bayaran ito sa mas malaking halaga kung sakali dahil baka pumayag ang matanda. Alam niya kung gaano kahalaga sa matanda ang pera kaya hindi siya matatanggihan nito pag mas malaki ang ioffer niya. Patuloy din siya sa paghahanap ng ibang malilipatan kung sakaling hindi talaga niya mapigilan ang mga ito.Pati mga crew ay tumutulong na rin sa kanya sa paghahanap. Nagpasalamat siya sa mga ito at pinaalahanan ding maghanap na din ng malilipatang trabaho kung sakaling matigil ang negosyo niya. Ayaw niyang maging makasarili at pigilan pa ang mga crew niya dahil posible din namang mawala sa kanya ang pinaghirapang negosyo. Pinagalitan din siya ng ama niya ng makauwi siya kaninang umaga at sinabihan na humanap ng paraan dahil sayang iyon. Ang ina naman niya ay mas piniling wag ng magtanong dahil naintindihan naman nito ang kinakaharap na problema niya sa negosyo.
"Wala ka bang alam na pwedeng pagtayuan ng negosyo Fran?"baling niya sa pinsan na nag-angat naman ng tingin sa kanya.
Pinagtaasan siya nito ng kilay"Ang arte mo kasi. Hindi ka nlang magpatulong kay Sir. Hindi porke't ayaw ng ex niya na manatili ang restaurant mo ay hihinto yun sa paghahanap ng paraan. Mahal ka no'ng tao tas umasta ka pa na parang bata. Nagagalit ka sa kanya eh siya ang dapat magalit at magtampo sayo dahil ininsulto mo daw siya kagabi."asik nito sa kanya.
Medyo nagulat siya dahil paanong nalaman nito ang away niya sa boss nito. Malamang,ikinuwento ng nobyo niya sa pinsan. Nakaramdam siya ng kaunting guilt at lungkot dahil naalala niya ang itsura ng nobyo ng pinagsalitaan niya ito ng masama kagabi. Umalis pa siya ng penthouse ng walang paalam dito.
"Alam mo naman na importante sa akin yung restaurant Fran."nguso niya dito at bahagyang yumuko.
"Oo,alam na alam ko pero hindi naman rason yun para pagsalitaan mo ng gan'on si Sir, Maika. Ininsulto mo ang kakayahan at kasarian niya Mai. Kasarian niya na buong puso mong tinanggap at 'minahal' pa."dismayado nitong sabi sa kanya.
Mas lalo siyang napayuko dahil sa pagsisisi. Hindi niya naman sinasadya yun. Nadala lang talaga siya sa inis at galit kagabi. Napa-angat siya ng tingin sa pinsan ng marinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Couz,hindi naman sa pinapagalitan kita pero kasi mali talaga yung ginawa mo eh. Nung una palang inamin na ni Sir sayo na 'bakla' siya at tinanggap mo yun. Handa kang maghintay na magbago siya ng walang pag-aalinlangan pero base sa sinabi mo daw sa kanya kagabi ay parang pinatunayan mo rin na hindi mo siya 'totally' tanggap na para bang 'napipilitan ka lang o nagsasawa ka ng 'maghintay'. Isipin mo din naman ang naramdaman niya sa oras na sinabi mo yun sa kanya. Porke 'bakla' ay bumibigay na agad sa kaparehang lalaki, hindi dapat gano'n. Wag mo namang lahatin. Sir Jaylein is not like that Mai. He knows how to value his self-worth more than anything. He will never plead or bend his knees for some dickhead and an asshole like his ex. He can help you solve your problem but please don't insult him especially about his 'gender'."pagbibigay ng komento nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA