CHAPTER 17(SPG)

78 3 1
                                    

"Thank you for working with us Mr.De Ria. It's really a wonderful gift for us to work with an international model."nakangiting pagpapasalamat ng manager ng Adidas Brand.

Tumango naman siya dito"Your welcome.Thank you for sending emails with us by the way. I am looking forward to work with your brand in the future."propesyonal niyang sabi.

Tumango naman ang manager sa kanya at inimbitahan pa siyang mag dinner pero tumanggi na siya dahil medyo pagod pa ang katawan niya. At ayaw niya ding makipagdinner sa manager dahil babae ito at pansin niya din ang malagkit nitong tingin sa kanya. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang babaeng may mga pagnanasa sa kanya. Maliban nlang kung may gusto din siya sa mga ito pero wala. Si Maika lang ang nagugustuhan niya ngayon at na kay Maika na lahat ang hinahanap niya kaya wala ng saysay ang pagpapansin ng iba.

"Francesca!"tawag niya sa P.A na busy sa pakikipag-usap sa photographer.

Mabilis naman itong lumapit sa kanya"Bakit po Sir?"agad nitong tanong.

"Aalis na tayo. Get my things in the dressing room and wait for me in the car."utos niya dito.

Agad naman itong sumimangot sa kanya"Sir naman eh.Nag-uusap pa kami ni Clever."tukoy nito sa photographer.

Inis niya naman itong hinarap"Hoy!Baka nakalimutan mong may jowa ka  na kaya bawal ka ng magpacute sa iba diyan."sabay batok niya dito.

"Aray naman Sir. Hindi naman ako nagpapacute. Nagpapaturo lang ako paano kumuha ng magandang litrato at paano mag-edit." sabi nito.

"At para saan naman yan aber?Gaga ka porke't wala yang jowa mo dito ay gumaganyan ka na."sermon niya dito.

"Tse.Tabi nga diyan Sir."irap nito sa kanya at pinangunahan siya sa paglalakad papunta sa dressing room.

Sumunod siya dito at nang makapasok ay agad niyang kinuha ang damit niya para magbihis. Dumiretso siya sa bathroom at dun nagbihis dahil baka may pumasok sa dressing room at makita siya na nagbibihis. Mabuti na ng nag-iingat.
Nakasuot lang siya ng casual short at black shirt at pinaresan ito ng white rubber shoes. Nang masigurong maayos na siya tingnan ay lumabas na siya at dumiretso sa harap ng vanity table para magsuklay at para ayusin din ang buhok niya. Hindi niya na nakita ang P.A kaya sigurado siyang nasa baba na yun at naghihintay sa kanya.

Sinipat pa niya ulit ang itsura at kabuuan niya bago lumabas ng dressing room. May ilan pang empleyado na bumati sa kanya. Kaswal lang siyang tumango sa mga ito at taas-nuong naglakad palabas sa shooting area. Nasa 8th floor siya ng gusali dahil na rin sa dito ginanap ang shoot niya. Nang makapasok sa elevator ay agad niyang pinindot ang ground floor. Mabuti nlang at walang kahit na sino ang nakisabay sa kanya. Nang makarating sa ground floor ay agad siyang lumabas sa elevator. Napabuntong-hininga siya ng mayroong mga empleyado at ibang taong kumukuha ng picture sa kanya. Binalewala lang niya ang mga kislap ng camera at nakapamulsang naglalakad. Para siyang rumampa sa fashion show sa porma niya. Alam na niyang pagkakaguluhan na naman ang mga kuha na litrato niya sa social media pagkatapos ng araw nato. Halata naman na ipopost ito ng mga tao pagkatapos kaya wala na siyang pakialam dun.

Yumuko sa kanya ang security guard ng lampasan niya ito. Tinanguan niya lang ito at dumiretso na sa parking area kung saan ang sasakyan niya. Nang makapasok sa driver seat ay agad na ibinigay ng P.A sa kanya ang phone niya"If may oras ka daw,sunduin mo raw si Maika sa restaurant."sabi nito.

"Fuck that.I'm tired. Ikaw nlang ang sumundo sa kanya."reklamo niya dito.

"Eh di tawagan mo. Ihanda mo nlang ang sarili mo pag nagtampo yan."sarkastiko nitong sabi sa kanya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon