CHAPTER 21

42 2 8
                                    

Nagmamaneho na si Jaylein sa kotse papunta sa bar kung saan naghihintay ang kapatid ng nobya at pinsan nito. Isa yun sa pagmamay-ari ng kaibigan niya. Hindi isang gay bar kundi ay private bar kung saan madalas ay mga elite na mga tao ang dumadayo. At isa na siya don.

"Love,okay na ba ang mukha ko?Hindi na ba mukhang haggard?"biglang tanong ng nobya kaya lumingon siya saglit dito.

Napabuntong-hininga nlang siya ng makitang hawak pa nito ang red lipstick na may tatak na international brand na Rare. Kanina pa ito kakatingin sa sariling mukha kong okay na ba tingnan kahit wala namang problema sa mukha nito maliban nlang sa pawis nito kanina dahil sa paggala sa mall. Sinabihan niya itong hindi na kailangang mag-retouch pero hindi ito nakinig at naghalungkat sa sarili nitong bag para maghanap ng kung anong mga kagamitan para sa mukha. Kesyo dapat daw maganda at maayos ito tingnan lalo na at papasok sila sa isang mamahaling bar. Mas gusto pa nga niya na simple nlang dapat ang ayos nito para hindi ito agaw-pansin sa iba. Ngayon na ang sexy tingnan ng nobya ay kailangan niya yatang bantayan ito kaysa ang tumingin sa ibang lalaki sa bar doon.

Lumiko siya at tinahak ang daan papuntang bar. Nang makarating ay agad niyang pinarking ang kotse niya bago naunang bumaba dito. Umikot siya para pagbuksan ang nobya sa passenger seat. Agad naman itong bumaba kaya todo alalay naman siya dito. Lihim pa siyang napatiim-bagang habang sinusuyod ang kabuuan nito. Hapit na hapit ang suot na dress sa magandang hubog ng katawan nito. Mas lalo pang nakaramdam siya ng inis ng masulyapan ang bandang baywang nito dahil sa may cut ito at kitang-kita ang kurba ng katawan. Konti nlang ay mapupunit na niya ito sa ikli ng damit. Pinilit niya itong ipasuot ang coat pero mariin itong tumanggi sa kanya at binalaan pa siya na hindi siya papansinin kung ipipilit niya ang gusto. Pumalibot ang kamay niya sa maliit nitong baywang para na rin bakuran at matakpan ang dapat ay itago.

"Villenueve's Bar"basa nito sa pangalan ng bar,"Kaninong bar ito Love?"inosenteng baling nito sa kanya.

"One of my friends. He's also a model but only here in Philippines."sagot niya dito.

Ramuel Theodore Villenueve owned the bar. Ramuel is one of his friends in the modeling industry. The difference was that his friend only a model here in the country. Medyo di pa din kasi ito kilala sa industriya. Bale kakasimula plang nito.

Iginiya niya sa paglalakad ang nobya papunta sa entrance. Agad siyang tiningnan ng bouncer at tinanguan bago binigyang daan. Mahigpit ang bar na ito. Dapat may ipapakita kang card dito na mabibili lang din sa bar sa pinakamahal na presyo. Meron naman siya sa card nito for entrance pero kilala naman siya ng bouncer kaya hindi na kailangang magpakita.

Nang makapasok sila ay agad  na bumungad sa kanila ang maingay na music at mga nagsasayawan sa gitna na mga tao. May stage naman sa unahan kung saan doon magpeperform ang mga singer o dancer. Hindi nagtatable ang lugar na ito at mahigpit ding pinagbabawal ang paglapit o paghawak sa main dancer ng bar. Yun ang kaisa-isang patakaran ng kaibigan niya.

Halos maamoy nila ang pinaghalo-halong mamahaling pabango ng mga tao sa loob kaya minabuti niyang hatakin ang nobya papunta sa taas kung saan naroon ang VIP Room.

Agad na binuksan ni Jaylein ang pinto at nakita nila ang kapatid at pinsan ni Maika na medyo lasing na dahil naka-kandong na ito sa kapatid ni Maika at may kung anong binubulong dito. Napailing nlang siya sa kakulitan ng P.A niya bago sila lumapit dito. Sila lang apat ang nasa loob dahil na rin sa ito ang ibinilin niya sa kaibigan.

"H-Hi Ate,medyo lasing na si Francesca."naiilang na bati ni Gray sa kanila nang makita sila nito.

"Pansin ko nga.Kailan ba kasi kayo dumating dito huh?"mataray na tanong ni Maika dito nang makaupo. Agad naman siyang tumabi dito at nanatiling nakapalibot ang kamay sa baywang nito.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon