CHAPTER 22

43 2 0
                                    

Binuksan ni Maika ang gate para maipasok ni Jaylein ang kotse nito. Mahigpit naman ang security ng village kung saan ang bahay ng parents niya pero mas mabuti pa ring makasigurado na walang makaisip tripan ang mamahaling kotse ng nobyo kaya mas mabuting nasa loob ito.

Maingat na isinara ni Maika ang gate at hinintay ang nobyo na makalabas sa kotse. Nang makalabas ito ay agad siyang lumapit at humawak sa braso nito.

"The guest room was already prepared for you Love."ngiti niya dito.

"Am I not allowed to sleep in your bedroom?"kunot-noo nitong tanong habang naglalakad sila papunta sa front door.

"Unfortunately,you can't. My father strictly said that you will sleep in the guest room."natatawa niyang sabi dito bago kinuha ang susi sa bag niya para buksan ang pinto. May spare key siya sa bahay nila dahil na rin sa minsan siyang ginagabi na ng uwi galing sa restaurant. Hindi na siya naabutan ng parents niya at tulog na ang mga ito kaya kailangan talaga na may susi siya kung maisipan niyang dito umuwi imbes sa sariling condo.

Hinubad niya ang suot na heels at itinabi ito bago isinuot ang pink sleepers niya ng makapasok sa bahay. Patay ang lahat ng ilaw ng kabahayan maliban sa living room.
Pinapasok niya ang nobyo at inilock ang pinto pagkatapos.

Hinawakan niya ang kamay ng nobyo at tahimik na tinahak ang daan papunta sa hagdan. Ang tahimik ng kabahayan dahil na rin sa madaling araw na at tulog na ang parents at kapatid niya.

Nang makarating sa taas ay naglakad sila sa kanang bahagi ng hallway kung saan ang kwarto niya at dalawang guest room. Ang katabi ng kwarto niya ang binuksan niya at kinapa ang switch sa gilid para buksan ang ilaw. Napangiti siya ng makitang malinis ang kwarto at grabe ang kaputian ng comforter at mga pillows. White ang motif gueat room at konti lang din ang makikitang furnitures na nasa paligid dahil na rin sa di gaanong nagagamit ang kwartong ito. Ngayon lang siguro na may nobyo na siya.
May closet din sa sulok kung saan may mga spare clothes for girls and boys. Ang ina niya ang nakapag-isip na lagyan ng mga damit ang guest rooms dahil baka kakailanganin ng mga bisita pag nagkataon.

Bumaling siya sa pinto ng marinig niya ang pagsara nito ng nobyo niya.
Tinuro niya ang closet bago nagsalita"If you want to shower first,their are spare clothes in the closet. Just call me if you need anything."sabay ngiti niya.

Hindi ito sumagot at tumitig lang sa kanya kaya nilapitan niya ito"Why?You're too quiet Love."natatawa niyang sabi at masuyong yumakap dito. Hindi nagsalita si Jaylein pero naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya at iginiya siya paupo sa malambot na kama.

"Wala bang ibang ginawa sayo si Ramirez kanina?"biglang tanong nito,ang tinutukoy ay ang nangyari sa bar kanina.

Nag-angat naman siya ng tingin dito"Wala naman. He just held my waist in the dance floor and then said something inappropriate words to me."sabi niya.

Tumango naman ito sa kanya at hinahaplos lang ang likuran at buhok niya. Mayroon siyang naalala na sinabi nito kanina sa bar kaya napagdesisyunan niyang magtanong"Kilala mo pala siya Love?"tukoy niya sa lalaking nambastos sa kanya sa bar.

Bumuntong-hininga ang nobyo sa kanya,"He's Raphael Ècarlate Ramirez. An actor and son of the governor of Davao. His family are all in politics. That's why he's not scared to do bad things."bored pa nitong sagot sa kanya na para bang hindi man lang natatakot sa maaring gawin no'ng lalaki dahil sa pagsuntok nito kanina.

"Hindi ka ba natatakot na gantihan ka n'on?Baka kasuhan o sirain nung Ramirez na yun ang trabaho mo."nag-alala niyang sinabi dito.

Yumuko naman ito sa kanya at ngumisi dahilan para mapanguso siya. Ang gwapo lang talaga ng nobyo niya. "His brother and sister we're my acquiantance Mai. His siblings we're working in modelling industry. They know how powerful and rich I am more than them. And if they try to ruin my career,they will suffer."sabi nito na puno pa ng yabang ang boses. Napailing nlang siya bago umalis sa pagkakaupo at maayos na tumayo sa harap nito. Nakaramdam pa siya ng ilang sa pagtitig nito sa mukha niya na bumaba pa sa kabuuan niya.
Bago pa man sa kung ano ang mangyari ay nagsalita na siya"Mag-prepare ka na sa pagtulog mo then you can call me anytime if you need something. My bedroom is just beside yours."mabilis niyang sabi bago tumalikod at pumunta sa pintuan para buksan ito. Nakatalikod lang siya na kumaway bago lumabas at nagmadaling pumunta sa kwarto niya. Nilock pa niya ang pinto ng makapasok bago dumiretso sa bathroom para maligo. Hinubad niya ang lahat ng suot bago pumaluob sa shower room. Gusto sana niyang sa bath tub maligo pero gusto na niyang maligo para makatulog na rin pagkatapos. Umabot siya ng isang oras sa bath room bago lumabas ng suot ang robe. Dumiretso siya sa walk in closet at pumili ng pantulog doon. Kukunin na sana niya ang pajama niya ngunit nahagip niya ang mga lingerie at nightdress niya. Napailing nlang siya ng maisipang yun nlang ang suotin. Sa huli ay napili niyang suotin ang maroon night dress niya. Hindi naman siya maikli at sakto lang para matakpan ang mahahaba niyang hita. Nang makitang ayos na siya ay lumabas na siya at dumirerso sa vanity table para gawin ang routine niya. Nag apply siya ng cream sa mukha at lotion naman sa katawan niya. Blinower niya din ang basang buhok bago tumayo at naglakad papunta sa kama. Gusto sana niyang puntahan ang nobyo sa kabila para tingnan kung natutulog na ba ito pero mas pinili niyang pigilan ang sarili. Pilit nlang niya ang sarili na makatulog at hindi din naman siya nabigo.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon