CHAPTER 33

40 1 0
                                    

"You need something Francesca?"tanong ni Jaylein sa P.A niya na kasalukuyang katawagan niya ngayon.

"Sir,pwede po bang magtake ng leave?"taning nito sa kanya.

Medyo nagtaka siya dahil para saan naman ang leave na hinihingi nito.
Wala naman siyang ipapagawa dito pero hindi niya pa rin maiwasang magtaka. Gusto niyang malaman kung para saan.

"Para saan yang leave na yan?"

"W-Wala lang Sir. Gusto ko lang magbakasyon muna."sagot nito. Alam niyang nagsisinungaling lang ito sa kanya.

"For how many months?"

"Hindi ko din alam Sir. Basta gusto ko lang magbakasyon. I don't know if kailan ako babalik sa trabaho."sagot nito kaya wala siyang magawa kundi ang bumuntong-hininga.

Ayaw sabihin ng P.A ang totoong dahilan at hindi din klaro dito kung ilang buwan magtatagal ang hinihinging leave sa kanya.

"Okay but make sure that you already done the remaining works there in the Philippines. So, that I will not worry once I'll go home."paalala nlang niya dito.

"Thank you Sir."pagpapasalamat nito.

"Yeah,whatever. Bye."paalam nlang niya.

Ibinaba niya ang phone at dumiretso na sa bathroom para maligo. Kailangan niyang pumunta sa shoot niya ngayong araw. Isa sa mga international clothing brand ang makakatrabaho niya.

Kasama ang isa sa mga staff ay dumating siya sa shooting area. Agad siyang inasikaso ng mga empleyado at inalalayan sa mga susuoting damit. May mga taga make up din sa kanya para sa konting retouch lang.
Hindi siya nakaramdam ng pagod dahil sa nakalipas na limang buwan niya dito sa France ay nasanay na siya.

Iba't ibang international clothing brands ang nakatrabaho na niya. Nakasama na din niya ang mga sikat na international models din sa ilang fashion shows. Nalibot na din niya ang halos buong lugar ng France. Ang daming nagawa niya sa loob ng limang buwan at masasabi niyang naging masaya siya dito.

"Lein,wait for me!"malakas na sigaw ng isang modelong babae mula sa likuran niya.

Papunta na siya sa itinalagang silid niya ng tawagin na naman siya ng makulit na babaeng nakilala lang rin niya sa shoot.

"What?"inis na baling niya ng makalapit ito sa kanya. Hindi niya maiwasang mainis dito dahil grabe ito kung makasunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Grabe din kung makahawak sa braso niya.

"Treat me food. I want to eat something."inosente nitong sabi.

Napaplantiskuhang napatitig siya sa babae. Half-filipino ang babaeng modelo, french ang ama,filipino ang ina.

"I don't have cash Kately."bored niyang sabi dito."Ouch!"ungot niya dito ng hampasin nito ang braso niya.

"You're a billionaire and then you tell me that you don't have cash. Stop joking psh."simangot nito sa kanya at basta nlang siyang hinila papalabas ng shooting area. Ang plano niyang magpahinga ay hindi yata matutuloy sa babaeng makulit na sige sa pagkaladkad sa kanya.

Lihim siyang napailing at napatiim-bagang ng masulyapan ang palihim na pagkuha ng mga litrato ng mga taong nadadaanan nila papalabas.
Paniguradong may bagong dating rumors na naman siyang makikita sa social media mamaya.

Siya ang pumili ng restaurant na kakainan dahil siya din naman ang magbabayad nito.

Dinala niya ang babaeng modelo sa isang mamahaling restaurant sa France. Pinili niya ang VIP para makaiwas sa mga tao at umiwas na din sa mga misinformation na ginagawa ng mga ito.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon