CHAPTER 41(SPG)

66 1 0
                                    

"I like the new interior of your office."komento ni Jaylein habang inililibot ang tingin sa loob ng office.

Bagong renovate ang office ni Maika dahil na rin sa problemang nangyari sa restaurant niya noon. May ilang nabasag at may mga part din na natipak sa mga glass wall kaya napilitan si Maika na iparenovate ang opisina niya.

Tinted na ang wall pati na ang pinto ng opisina niya. May comfort room na din siyang pinalagay. Black ang curtains habang white naman ang kulay ng mga furnitures at iba pang gamit gaya ng sofa, small drawers at ang tilefloor niya. Ang itim ay ang visitor's chair at swivel chair niya. Glass naman ang table niya. Malaki din ang ginastos sa pag-paparenovate at bayad yun lahat ng kapatid niya sa tulong na din ng napangasawa nito.

"Hmm. Thanks to my brother."pilit ang ngiting sabi niya. Nalulungkot pa rin siya sa kinahihinatnan ng kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari doon sa teritoryo ng pamilya ng babaeng napangasawa nito.

Napansin ni Jaylein ang medyo malungkot niyang mukha kaya hinila siya nito paupo sa kandungan nito. Nakaupo ang lalaki sa swivel chair niya.

"What's wrong?"tanong nito sa kanya ay hinawakan siya sa baywang.

Nakangusong yumakap siya kay Jaylein at isinandal ang mukha sa dibdib nito"I'm still sad about the current situation of my brother now. He forced to married a woman that he didn't even know. If I didn't faced a serious problem with my restaurant that time, he would be still single and happy by now."mahinang sabi niya.

"W-What happened? Did I already help you with the problem of your restaurant many months ago?"takang tanong nito sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

Tumitig siya kay Jaylein at umiling"There still thing happened after that. Some men trespassed on my restaurant and ruin all the things here including my files and more. I needed money to save this that's why my brother was forced to marry to an unknown woman."sagot niya, hindi naiwasan na maiyak habang inaalala ang nangyari.

Labis ang galit niya nang mangyari yun.Lalo  na ng malaman niya kung sino ang nag-utos na sirain ang negosyo niya.

"Did you already knew who did it?"

Hinang-hina siyang tumango at wala pa man ay nagsimula na nang tumulo ang luha niya. Tiim-bagang na sinapo ni Jaylein ang mukha niya at masuyong pinalis ang mga luha niya. "I-It's Dad."malakas na hikbi niya at di napigilang umiyak nang malakas. Agad siyang niyakap ni Jaylein at masuyong hinaplos ang likuran niya.

Hindi matanggap ni Maika na ang nagtangkang sumira sa pinakamamahal na negosyo niya ay ang ama niya. No'ng una ay nagdalawang-isip siyang maniwala sa sinabi ng mga pulisya at nang dalawang suspek pero nang marinig niya galing sa ama na ito ang nag-utos ay parang nawala na ng tuluyan ang respeto at pagmamahal niya sa ama.

Hindi niya alam ang rason nito pero sigurado siyang may kinalaman ito sa arrange marriage na ginawa nito sa kapatid niya. Naisip nitong hindi niya kakayanin ang solusyonan ang problema niya sa restaurant kaya ang pagpipilit sa kapatid ang paraan para matulungan siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapansin ang ama. Kung magkita sila sa bahay ay para lang strangers ang turingan nila. Sinusubukan sila ng ina niya na paglapitin ulit pero hindi nito nagawa. Iwas na iwas siya dito. Maski ang bigyan pa ito nang galang ay hindi na niya magawa. Para lang itong hangin kung dumaan sa paligid niya.

Hindi din siya dumalo sa kasal nang kapatid niya dahil sa guilty at lungkot na nararamdaman niya. Para kasi sa kanya kahit ang ama nila ang nagpasimuno ng lintek na kasal na yun ay may kasalanan pa rin siya.

"Shh.Tahan na."malumanay na pag-aalo sa kanya ni Jaylein.

Humina na ang pag-iyak niya pero naroon pa rin ang hikbi. Nanatili siyang nakasandal kay Jaylein at umayos ng upo sa kandungan nito. Yumakap siya sa baywang ng nobyo at nagsumiksik dito.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon