3 YEARS LATER...
"Dada,where you going?"isang matinis na boses ang pumigil kay Jaylein sa akmang paglabas ng mansyon.
Nakangiting nilingon niya ang tatlong taong gulang na anak na babae. Suot pa nito ang pantulog at halatang kagigising lang ng anak.
Nakasimangot ito sa kanya at nakataas ang isang kilay. Bata palang ay halata na ang pagiging mataray.Ang mukha ay pinaghalong Maika at Jaylein pero ang ugali at akto ay malamang sa kanya. Noong bakla siya ay likas siyang mataray kaya sigurado sa kanya namana nito.
Nakaupo ito sa gitna nang hagdan, siguro napagod kakahakbang gamit ang maliit nitong mga paa kaya umupo nlang. Mabilis na lumakad si Jaylein palapit dito at niyuko ang anak.
"Where you going?"ulit nito sabay pagkrus ng maliliit na braso.
Hindi na mapigilan ni Jaylein ang matawa sa itsura nito"I will go to your Grandpa and Grandma's house baby."sagot niya at umupo sa harap nito para buhatin.
Kinusot-kusot nito ang mata bago iniyakap ang mga kamay sa batok niya"I'll go with you Dada."sabi nito sa kanya, biglang ngumiti nang dahil sa sinabi niya.
Kapag naririnig nito ang tungkol sa lola at lolo nito ay agad na sasama at nagiging masaya. Masyado kasi itong spoiled sa mga magulang niya. Lahat binibigay dahil na rin sa ito palang ang apo.
"You still didn't take a bath baby. Grandpa and grandma will tease you."inosente niyang sabi.
Tumingin ito sa kanya at ngumuso. Alam niyang hindi ito lumalabas ng bahay nila kung hindi naliligo o hindi maayos ang hitsura. Kailangan maganda ang suot nito at kung pwede ay nakabraid ang buhok. Masyadong girly na girly ang anak niya.
Hindi naman ito aasarin ng mga magulang niya pero mas nasanay lang kasi itong maganda at maayos ang itsura.
"But Mommy still sleeping. No one will take me bath other than her."nakanguso nitong sabi.
"Don't you like me to take you bath baby?"tanong niya.
Agad itong tumango kaya natawa siya. Sa pagliligo at pagbibihis dito ay ang asawa ang gumagawa. Hindi pumapayag ang anak na makialam siya maliban lang sa pagtatali o braid ng buhok nito.
"I will try to wake her up then"hinaplos niya ang mukha nito.
Nanlalaki ang mata na tumitig ito sa kanya at ang matabang pisngi ay lumobo"No, my baby sister in her tummy is still sleeping Dada. Mommy will get mad if you disturb her."iling-iling nito at mahina ding pinalo ang mukha niya gamit ang cute nitong kamay.
"How about you help me prepare breakfast while waiting Mommy to wake up?Then we will go to grandma&grandpa's house later."
"But you don't know how to cook Dada."simangot nito sa kanya.
Hindi niya maiwasang mamangha sa anak. Alam nitong hindi siya marunong magluto dahil na rin sa natikman nito noon ang niluto niyang pancake. Hindi naman niya yun lulutuin kung hindi lang siya pinilit ng bibong anak.
Ang asawa niya ang tagaluto ng mga masasarap na pagkain. Pero may dalawa din namang maid na nagluluto at gumagawa sa mga gawaing bahay. Hindi din naman pwedeng gumalaw o tumulong ang asawa niya ngayon dahil dapat itong mag-ingat sa pagbubuntis.
Patuloy pa rin ang negosyo nito sa Makati at iniwan lang sa pinagkakatiwalaang chef at sa ina. Paminsan-minsan ding bumibisita ang mga magulang at kapatid nito kung may libreng oras.
Sa Carmen, Bohol na si Jaylein at ang pamilya nakatira dahil na rin sa dito gusto ng mga magulang ni Jaylein. Nahirapan niyang kumbinsihin ang asawa dahil na nga sa di maiwan nito ang negosyo. Napilit lang niya sa pamamagitan ng pangako na aalagaan at ibibilin iyon sa mga tauhan niya.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA