CHAPTER 37

56 2 0
                                    

"Couz,pwede patulong dito?!"malakas na tawag ng pinsan niya habang pababa siya ng hagdan.

Katatapos lang niyang maligo at mag-linis sa tinutuluyan niyang kwarto.

Dumiretso siya sa kusina kung saan narinig niya ang matinis na tinig ng pinsan.

"A-Anong trip yan?"natatawang tanong niya nang makita ang sitwasyon ng pinsan.

Nakanguso itong nakatingin sa nilulutong popcorn at takot na lumapit sa kawali. Hawak pa nito ang sandok na nakaposisyon sa pasugod na paraan. Hindi alam kung lalapit ba o hindi, takot matalsikan ng nilulutong popcorn.

Lumapit siya dito at kumuha ng takip  at inilagay sa kawali para hindi magtalsikan ang nasa loob.

Sumandal siya sa counter at hinarap ang pinsan na kasalukuyang nakanguso pa rin sa kanya ngayon.
Tinaasan niya ito ng kilay, hinihintay na magsalita ito.

"I've watched tiktok videos and saw the popcorn thingy. I want to try cooking it that's why."nguso nito sa kanya.

"In order to cook the popcorn right. Kailangan mong lagyan ng takip para hindi ka matalsikan. Madali lang naman yang maluluto."natatawang sabi niya.

"Alam mo namang hindi ako marunong Maika eh."sumimangot ito sa kanya.

"Puro ka kasi utos lang sa bahay ng parents mo."

Medyo lumaking spoiled ang pinsan niya dahil nag-iisa rin itong babae. Lahat ng gusto nito ay inuutos lang sa  mga kasambahay.

Hindi niya alam kung paano nakayang mabuhay nito mag-isa sa isang tagong isla.

"Paano ka pala nabuhay mag-isa dito kung hindi ka naman marunong magluto?"tanong niya.

"Puro fried lang.... yung mga madaling lutuin."nahihiyang sagot nito.

Tumango-tango siya at pinatay na ang stove dahil luto na ang popcorn. Inilipat niya ito sa malinis na bowl at maingat na ibinigay sa pinsan na excited namang kinuha nito.

Hinayaan niya ang pinsan na maglagay ng powdered cheese sa popcorn. Gusto nitong manood ng movie at gawing snack ang popcorn kaya kahit di trip ni Maika ang manood ng movie sa tanghaling tapat ay sinamahan nlang din niya.

Pagkatapos ay sabay silang nagdilig ng mga halaman at bulaklak sa labas ng rest house pati na ang mga green plants na nakadisplay sa loob ng bahay.

Bandang hapon ay naisipan niyang magluto na para sa dinner nang sa gayon ay maaga silang makakakain. Nagpasalamat siya dahil sapat ang mga ingredients na kakailanganin niya sa pagluto. Nagpresintang tumulong sa paghihiwa ang pinsan na agad naman niyang sinang-ayunan.

Kahit alam niyang hindi marunong ang pinsan sa kahit anong gawain pangbahay ay gusto niya ding matuto  ito. Hindi naman basta ka lang matututo sa kung anong mga bagay kung hindi mo din susubukan. Magkamali ka man nang magkamali basta matututo ka sa huli ay sapat na yun.

"Tumawag si Sir Jaylein sa'kin kagabi pati na rin kanina couz."basag sa katahimikan ng pinsan niya habang kumakain sila.

Nag-angat siya ng tingin dito at hinintay lang kung ano pang sasabihin ng pinsan. Ayaw niyang marinig ang pangalan ng lalaki at kahit gusto niyang iwasan ay alam niyang mahirap dahil may koneksyon ang pinsan niya at ang ex niya.

"I didn't answered his calls,don't worry."assurance nito sa kanya kaya tipid siyang ngumiti.

"I'm sorry to ask this but do you think you can still forgive him if ever he will ask for your forgiveness .....maybe soon?"tanong ng pinsan niya, hinihintay ang sagot niya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon