CHAPTER 31

39 1 0
                                    

"Hindi na ba mababago ang desisyon mo Sir Jaylein?"tanong ni Francesca sa sobrang sungit ngayon na boss.

Nasa airport sila dahil pupunta ng France si Jaylein. Gusto din sanang sumama ng P.A dahil paborito nito ang lugar na pupuntahan niya pero ayaw nitong iwan ang invisible boyfriend naman nito.

Ibinigay muna niya ang mga gamit niya sa dala niyang mga tauhan bago bumaling sa P.A"No, I will stay there for half a year."puno ng kasiguraduhan ang boses niya.

"2months lang naman ang work mo do'n Sir ah."ingos nito sa kanya.

Totoo naman ang sinabi ng P.A niya. Dalawang buwan lang kakailanganin sa trabaho niya do'n at pwede na siyang umuwi pero mas gusto niya yatang magtagal muna doon. May sarili namang bahay siya doon kaya walang magiging problema. Gusto niya ding bisitahin ang mga kompanyang may malaking shares siya doon. Mabuti ng may pagka-abalahan siya para mawala sa isipan niya ang hiwalayan sa kanila ng nobya.

"And another 4months for my vacation. Don't worry about the other pending works because I will be the one contacting the brands about that."kaswal niyang sabi sa P.A

Madali lang naman para sa kanya ang kausapin lahat ng mga upcoming schedules niya for 6months. Pwede niyang papuntahin sa France ang iba kung kinakailangan. At kung ayaw naman ay online nlang o di kaya ang P.A niya ang gagawa.

Kumunot ang nuo niya ng makitang nag-aalangan ang P.A na para bang may gusto pang sabihin sa kanya. Pansin niya ang pagyuko nito at paglalaro sa mga daliri sa kamay habang kagat nito ang labi.

"Do you have anything you want to say?"di napigilang tanong niya.

Baka kasi importante........

Kumunot ang nuo niya ng makitang kakamot batok itong tumingin sa kanya at nagpapadyak pa.

"Francesca."may halong inis na na untag niya dito. Malalate na kasi siya sa flight niya.

"Hindi ka ba magpapaalam kay Maika?Kawawa naman si couz Sir."simangot nito sa kanya.

Saglit siyang natigilan ng marinig ang pangalan ng ex-girlfriend. Dalawang araw na din matapos ang break-up nila. Nakatanggap siya ng mensahe at mga missed calls galing sa babae pero pinili nlang niyang balewalain at idelete ito dahil wala namang dapat pa siyang tingnan o alamin tungkol sa babae. Sapat na sa kanyang sinaktan siya nito.

"Francesca,we already talked about this last night. Maika and I broke up,we're 'over'. It's not her concern about me leaving the country. So please, stop talking about her,stop mentioning her name or whatsoever. It's depends on you if you want to let her know about this,I don't care. For now,I just want to rest from all of it."kalmadong pagpapaintindi niya dito.

Hindi na nagsalita ang P.A niya at tahimik nlang na tumango sa kanya. Napailing siya dito bago tinapik ang balikat nito"I need to go. Bye."paalam niya at tumalikod na.
Malalim pa siyang napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa naghihintay na private plane. Binati siya ng flight attendant at iginiya siya sa loob ng plane.
Komportable siyang umupo doon at kinuha ang headphone para makinig ng kanta habang nasa byahe papuntang France.

He's excited to go to France and visit his property there. He also badly want to see again the Eiffle Tower and just stare at it's breathtaking beauty all night.

He's looking forward for his 6months stay or vacation in France.
______________________________________

"Anak, kumain ka naman oh! Nagluto ako ng favorite food mo!"malakas na tawag ng ina niya mula sa labas ng kwarto niya. Kanina pa ito kumakatok sa kanya pero ayaw niyang pagbuksan. Miss na miss na niya si Jaylein at hanggang ngayon ay hindi pa din sinasagot ang mga text at tawag niya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon