CHAPTER 44(SPG)

92 2 0
                                    

"It's very beautiful and looks good on me."nangingiting komento ni Maika habang  nakatitig sa ring finger niya.

Hindi siya makapaniwala na engaged na siya at may mamahalin at kumikislap na diamond ring na siyang suot ngayon. May nakaengrave ding owned by JTDR sa singsing na nagpakilig talaga sa kanya.

It's been weeks when Jaylein proposed to her. She's very happy and still can't process what just happened in her life.

Getting pregnant on Jaylein's child and wearing an expensive,beautiful, purple diamond ring givin' by the handsome model we're another level.

Napayuko siya sa tiyan niya at nakangiting hinaplos ito kahit wala pang baby bump. Excited na siyang mag-alaga ng baby kasama si Jaylein. Marami na siyang naisip na ipangalan, desenyo ng nursery room at iba pang bagay para sa baby kahit matagal pa naman dahil four weeks pa lang ang baby niya.

Pinacheck-up siya ni Jaylein agad nang malaman na buntis siya kaya alam niya kung ilang days o weeks ang tiyan niya. Gusto sana niyang magpost sa social media pero pinigilan na siya ni Jaylein dahil mas mabuting manatiling private ang pagbubuntis niya.

At naiintindihan niya yun dahil nga sa sikat ang nobyo niya.

"Yeah, I chose the first design you emailed to me. Does your workers start building it?"

Mula sa kakatitig sa singsing niya ay napa-angat siya ng tingin ng lumabas galing sa walk-in closet ang nobyo. Nakasuot lang ito ng simpleng short at tinutuyo ang basang buhok gamit ang isang maliit na white towel. Hawak nito ang sariling cellphone at parang may katawagan.

Saglit itong sumulyap sa kanya bago naglakad papunta sa sliding window at binuksan iyon. Napanguso si Maika habang nakatitig sa likod nito, kasalukuyang nakasandal ang lalaki sa railings ng balcony.

Naiinis siya sa di malamang dahilan habang nakatitig sa nakabalandra nitong likuran. Parang gusto niya itong yakapin ang ramdamin ang matigas nitong katawan.

Hindi na siya nakatiis at bumaba mula sa kama. Nakasuot lang siya ng malaking black t-shirt ng lalaki at kagigising lang din niya. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito kaya unti-unti rin niyang naririnig ang boses nito.

"Yeah, just tell me if you need anything....Hmm, add another room....Thank you for accepting the project btw... Yeah, I'm excited to see the final project... I'll wait for five months.. Yeah, bye."kausap nito sa kabilang linya.

Nakangusong lumapit si Maika at tahimik na yumakap sa likuran nito. Napatalon ito, malamang dahil sa gulat sa presensya niya pero hinawakan din ang kamay niyang nakayakap dito kalaunan.

"Bonjour Love, you hungry?"tanong nito sa kanya.

Umiling naman siya dito at mas hinigpitan pa ang yakap. Mahina din niyang hinalik-halikan at kinagat-kagat ang likuran nito. Gusto niya ang amoy ng nobyo, nakakaadik.

Humarap ito sa kanya at hinapit ang baywang niya. Ngumiti ito sa kanya pero nanatili lang siyang nakanguso.

"Why are you pouting? You're craving for something or you want to go some places?"malambing na tanong nito sa kanya sabay haplos sa pisngi niya.

"Do we really have to go home? Can we stay here in France instead?"parang batang tanong niya.

Uuwi na sila ng Pilipinas bukas at parang ayaw pa niya. Gusto pa niyang manatili sa France dahil sa nasanay na siya sa buhay dito. Gusto din niya ang mga pagkain at ang ganda din ng mga lugar. Mali din namang sabihin pero nagustuhan
na talaga niya ang bansa.

Nandoon sa Pilipinas ang pamilya niya kaya lang ay medyo nasanay at nagustuhan talaga niya ang France eh.

"Unfortunately yes. My parents wants to see you again and your mom too."natatawang tango nito sa kanya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon