CHAPTER 16

50 3 0
                                    

"Sir,pwedeng bukas na natin ito tapusin"inaantok na pakiusap ng P.A niya habang nakaharap sa laptop sa tabi niya.

"Hindi pwede."sagot niya dito habang nagtitipa sa sariling laptop.

Pagkatapos kasi nilang kumain ay agad niya ng inutusan ang P.A na gumawa ng emails at ipadala sa mga clothing brands na kumontak sa kanila. Gusto niyang tapusin lahat ng iyon para makapagmeeting na siya sa mga ito at dire-diretso na siyang makapagshoot. Halos umabot sa 100 clothing brands ang nagsend ng email sa kaniya kasali na doon ang mga international brands. Natanggihan na niya ang iba at sinabihan na magpapadala lang siya ng mensahe pag hindi na hectic ang schedule niya. Plano niyang tumanggap ng limang clothing brands kada buwan para hindi gaanong mapagod ang katawan niya.

"Sir,kanina pa tayong tanghali dito at gabi na.Gusto ko ng matulog."antok na antok na sabi na naman ng P.A niya.

Tiningnan niya ang wall clock sa living room at napabuntong-hininga nlang siya ng makitang alas 10 na ng gabi. Wala siyang nagawa kundi ang
itigil ang ginagawa"Sige,bukas na natin ito tapusin."pagpayag niya dito bago tumayo dala ang laptop niya.

"Salamat Sir.Ako na ang magsasara ng pinto ng penthouse niyo."rinig niyang sagot nito,halata ang galak sa boses nito.

Hindi na siya nagsalita at tinunton nlang ang daan papunta sa kwarto niya. Agad niyang binuksan ang pinto ng makarating sa kwarto. Nang makapasok ay agad niyang nasilayan ang nobya na mahimbing na natutulog sa kama niya. Inilock niya ang pinto bago lumapit at inilapag muna ang laptop sa bedside table. Naisipan niyang maligo muna dahil mula ng makarating sa penthouse ay hindi pa siya nakapagbihis. Agad niyang hinubad ang suot at itinapon ang mga ito sa basket kung saan lagayan ng maduduming damit. Nakaboxer lang siyang pumasok sa banyo at pumaloob sa shower room. Ramdam niya ang pagod ng katawan niya habang patuloy na lumagaslas ang tubig sa katawan niya.
Sending emails was made him tired. Paano pa kaya pag shooting day na.
Napabuntong-hininga siya at kinuha ang scrub para linisin ng maigi ang katawan niya. Ilang minuto din siyang nanatili sa loob bago lumabas ng nakatapis na tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Dumiretso siya sa walk-in closet at pumili ng masusuot. Pinili niyang magsuot ng white na sando at black boxer short. Kung siya lang ang nandoon sa kama ay mas pipiliin niyang magboxer lang pero dahil nga nandoon si Maika ay napilitan niyang magsuot ng sando. Nang makalabas ay agad siyang pumunta sa vanity table at nagblower sa basa niyang buhok. Busy siya sa pagbloblower ng marinig niya ang pagsigaw ng nobya niya. Taranta siyang tumingin dito at kinabahan ng makita itong pabaling-baling ang ulo at nakapikit na sumisigaw.
He's so sure that Maika is having a bad dream.

Mabilis siyang lumapit dito at sumampa sa kama.
"Maika,Mai wake up.Wake up."yugyog niya dito.Ilang segundo pa itong hindi gumising. Nang dumilat ito ay agad siya nitong nakita at basta nlang bumangon at dinamba siya ng yakap at don umiyak ng umiyak. Gumanti siya ng yakap dito"Shhh..You're having a bad dream.Don't cry please."pagpapakalma niya dito.
Iyak pa din ito ng iyak habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Shh.I'm here.Stop crying Love."masuyo niyang sabi dito at hinalik-halikan ang buhok nito.
Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya at humihikbing nagsalita"I-I d-dreamed about w-what happened in the f-farm. The worker al-almost r-raped me."nanginginig nitong sabi.
Masuyo niyang hinawakan ang mukha nito. Luhaan itong tumingala sa kanya at namumula ang bawat parte ng mukha. Ngumiti siya dito"The worker was already got jailed and he will suffer of what he done. You don't have to be scared because I'm here."malambing niyang usal at pinahiran ang luha nito. Tumango-tango ito at parang bata na yumakap sa kanya ulit. Niyakap niya din ito bago maingat na pumwesto at sumandal sa headboard. Pansin niya pa din ang tahimik nitong paghikbi. Patuloy lang siya sa paghaplos sa likod nito para mapakalma. Ilang minuto din ay pansin niya na ang malalim nitong paghinga senyales na nakatulog na ito. Dahan-dahan niya itong hiniga sa kama at tinabihan.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon