CHAPTER 24

42 0 0
                                    

"Couz,are you going to accompany us in buying groceries for the New Year's Eve tomorrow,
midnight?"tanong ng pinsan niya na busy sa pagpapak ng mangga.

Hindi niya ito sinagot at nagpokus lang sa pagtetext sa nobyo niyang umuwi ng Bohol noong 24,pagkatapos ng concert na pinuntahan nilang dalawa. Agad kasing nagpaalam ito sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik kaya namimiss na niya.

Nakanguso siyang nagtype ng message para sa nobyo.

Me:Are you not going back to celebrate New Year with me Love?I miss you already."

    Love:I don't know Mai. My parents will be mad if I will leave them especially my father.


Mas lalong ngumuso si Maika ng matanggap ang reply nito. Miss na miss na niya ang nobyo. Palagi silang nagtetext ,tawag at videocall pero hindi yun sapat para kay Maika kaya gusto na talaga niya itong makasama.
Inis siyang nagtitipa ng irereply nang may tumamang throw pillow sa mukha niya. Inilapag niya ang phone sa tabi at inis na tumingin sa pinsan na tawa-tawang nakatingin din sa kanya na nakaupo kaharap ng sofa na kinauupuan niya.

Ito pa ang isa sa kinaiinisan niya ngayon. Bigla nlang pumasok si Francesca sa kwarto niya ngayong umaga dahil gusto daw nitong kumain ng mangga. Ang pinsan kasi niya ay natripan na matulog sa bahay nila dahil sama-sama naman silang magdidiwang ng bagong-taon. Umuwi din kasi ang kapatid na si Gray kaya may mapapagtripan at makukulitan ang pinsan niya kaya nandito sa bahay nila namamalagi muna.

"Nakakainis ka."simangot niya sa pinsan.

Natatawang dumampot ito ng mangga at kinain iyon. Nangasim ang mukha ni Maika habang nakatingin dito.

"Ba't ka kasi nakasimangot diyan? Parang nalugi ang restaurant mo sa porma mo diyan."biro pa nito sa kanya. "Miss mo na si Sir Jaylein noh kaya ganyan ang mood mo ngayon."dagdag pa nitong sabi.

Umirap siya sa pinsan"Ikaw kaya ang hindi siya makasama ng 7 days. Miss na miss ko na siya Couz."parang batang maktol niya at niyakap ang throw pillow.

"Ganyan siguro pag kulang sa dilig. Nalalanta na siguro ka diyan lalo na't di bihira ang pitong araw na pagtitiis."imbes na nakakalokong biro nito dahilan para mas lalong mainis siya at bahagyang mamula.

Naalala niya bigla ang huli nilang pagsasama ng nobyo pagkatapos no'ng concert. Maghahatinggabi na din kasing natapos iyon at doon pa sila dumiretso sa penthouse ng modelong nobyo. Hindi niya mapigilang alahanin ang gabing iyon. Kung paanong inangkin siya ng paulit-ulit ng nobyo at pinaligaya ng gabing iyon. Napailing nlang siya at inirapan lang ang pinsan dahil wala siyang maisagot.

"Hindi mo ba tinanong kung uuwi ba siya dito couz? Try mo baka pumayag."suhestiyon nito sa kanya.

"Kakatext nga niya lang eh. Hindi daw niya alam dahil baka magalit din ang parents niya."kwento niya dito.

"Pilitin mo couz tas sabihin mo may ibibigay kang masarap na regalo sa kanya."kaswal na sabi nito.

"Eh ano namang regalo yan?"kuryos niyang tanong.

Kumuha muna ito ng hiniwang mangga at sinawsaw sa toyo at kamay bago kinain iyon. Tahimik lang niyang hinintay ang isasagot nito dahil baka makatulong din.

"Yung pechay mo."simple nitong sagot.

Medyo slow siya ngayon kaya di niya maintindihan kung seryoso ba talaga ito kaya tinanong niya ito ulit"Seryoso ka diyan?May pechay pa naman sa restaurant kaya pwede yan."inosente niya pang sabi.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon